BREAKING NEWS

Sharlene San Pedro, Nagtapos ng Bachelor of Arts in Psychology



Nagtapos na ng kolehiyo ang artista, mang-aawit, vlogger, streamer, VJ, at TV host na si Sharlene San Pedro. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Psychology sa AMA University Online Education. Sa kanyang post ay ibinahagi niya ang graduation picture niya na may caption na "sa wakaaaaaaas."

Nagawa niya ang kanyang unang paglabas sa telebisyon sa edad na apat nang sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest: Kids Edition noong 2004, at napunta sa pangalawang pwesto.




Ginampanan niya ang title role sa Princess Sarah noong 2007.

Natanggap ni San Pedro ang kanyang unang parangal sa pag-arte bilang "Most Popular Child Actress" ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation noong 2009. Noong 2012, hinirang si San Pedro sa 17th Asian Television Awards bilang Best Actress in a Lead-Drama Role para sa kanyang pagganap. bilang isang teenager na ina sa Maalaala Mo Kaya episode, "T-Shirt".




Sa ngayon ay madalas siyang makikita sa paglalive sa facebook at nagsstream sa paborito niyang mobile game na Call of Duti Mobile.

Source: Noypi Ako
Sharlene San Pedro, Nagtapos ng Bachelor of Arts in Psychology Sharlene San Pedro, Nagtapos ng Bachelor of Arts in Psychology Reviewed by pinoyako on May 29, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close