BREAKING NEWS

Panoorin! Isang Ina, Ibinenta Ang Sariling Anak Para Lang Makapag E-Sabong!





Isang ina ang ibinenta ang sariling anak sa halagang P45,000. Ayon sa kanya, baon na baon na siya sa utang kaya naisipan niyang ibenta ang walong buwang gulang niyang anak. Ayon sa ulat, lulong sa E-sabong ang ina na ito at nabaon siya sa utang. Ang tanging naisip niyang paraan para makabayad ay ibenta ang anak.



Marami siyang nakausap na gustong ampunin ang kanyang anak. Nag-post umano siya sa social media para sa mg taong gustong mag-ampon ng bata.

Unang sinabi ng nag-ampon ay P40,000 ang halaga ng bata. Sinabi naman ng ina na kung maaari ay gawing P50,000. Subalit nagkasundo na sila sa P45,000. Sinabi pa ng nag-ampon na gagawing ilegal ang proseso ng papeles ng bata.





Wala namang kaalam-alam ang tatay ng bata na ibinenta na ito ng sarili niyang asawa. Sising-sisi naman ngayon ang ina at nakikiusap na isauli na ang kanyang anak.



Ngunit naka-block na umano siya sa taong nag-ampon at hindi na niya ito ma-contact pa. Nananawagan din ang ama ng bata na isauli na ang kanilang anak at ibabalik din nila ang P45,000. Maraming netizens naman ang hindi natuwa sa ginawa ng ina.


Source: Noypi Ako
Panoorin! Isang Ina, Ibinenta Ang Sariling Anak Para Lang Makapag E-Sabong! Panoorin! Isang Ina, Ibinenta Ang Sariling Anak Para Lang Makapag E-Sabong! Reviewed by pinoyako on March 10, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close