BREAKING NEWS

Poging Amerikano na Dumulog Kay Tulfo, Natipuhan Ang Isa Sa Mga Staff Ng Programa!



Si RJ Ruselle ay dumulog sa tanggapan ni Idol Raffy matapos umano siyang l0kohin ng kanyang kinakasamang Pinay. Sumbong ni RJ, akala umano niya ay ipinundar ni Adora ng mga bahay at lupa ang mga perang ipinapadala nito sa kanya ngunit napag-alaman niyang hindi pala at ni isang kusing ay walang maipakita ang dating kalaguyo.




Ayon pa kay RJ, nasa P25 million ang kabuuang pera na napadala niya kay Adora kaya naman hindi matanggap ng amerikano na walang pinatunguhan ang limpak-limpak na pera.

Kaya naman, lumapit si RJ kay Idol Raffy ngunit hindi nakapanayam si Adora ng programa dahil natutulog umano ito ng mahimbing matapos uminom ng pampatulog. Kuwento ni RJ, madalas umanong ginagawa ni Adora ito sa tuwing kokomprontahin siya upang makaiwas sa mga katanungan.

Dahil dito, nagpasya na si Idol Raffy na sadyain sa mismong bahay si Adora upang hindi na muli pang makatakas sa mga katanungan.




Bago pa man matapos ang episode ay naging usap-usapan ng mga babaeng staffs si RJ. Napansin nilang interasado ang amerikano sa isang staff na si Angie. Panay umano tingin si RJ sa staff. Nabanggit din ni RJ na di hamak na mas maganda si Angie kaysa sa dating kinakasamang si Adora.

"Angie, mukhang magiging milyonarya kana, magblow-out kana at ngayon pa lamang ay mangutang na tayo sa bombay sa pang blow-out mo kasi patay na patay daw sayo si kano," ani ni Idol Raffy kay Angie matapos niyang itong tawagan sa telepono.

Nang tanungin si Angie kung may kasintahan ba ito ay sinagot naman niya ng wala.

"Si Angie, okay yan exotic beauty. mahilig talaga si RJ sa mga exotic beauty," pabirong sinabi ni Idol raffy.

Source: Noypi Ako
Poging Amerikano na Dumulog Kay Tulfo, Natipuhan Ang Isa Sa Mga Staff Ng Programa! Poging Amerikano na Dumulog Kay Tulfo, Natipuhan Ang Isa Sa Mga Staff Ng Programa! Reviewed by pinoyako on February 18, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close