BREAKING NEWS

Buntis na Guro, Kinakailangan Tumawid sa Bangin at Maglakad ng 2-Oras Para Makapagturo!



Nagsisilbing ikalawang magulang natin ang mga guro. Karamihan sa mga guro ay gagawin ang lahat para makapagturo ng maayos sa kanilang estudyante. Nagbibigay sila sa atin ng kaalaman patungkol sa mga nakasulat sa libro at kung paano maging mabuting mamamayan. Kung minsan ay hindi natin nakikïta ang mga såkripisyong ginagawa nila para makapagturo lamang.




Isa si Teacher Jay Ann Salibio sa mga gurong nagsasakripisy0 para lamang makapagturo sa kanyang mga estudyante. Kinakailangan niyang tumawid sa matarik na bangin at maglakad ng halos dalawang oras para makarating sa eskwelahan ng Patag Elementary School Annex sa Occidental Mindoro.

Sa katunayan ay nagdadalang-tao si teacher Jay Ann kaya hindi lamang ang buhay niya ang nakasalalay dahil ang maging ipinagbubuntis niya ay maaaring mapahåk.




Dahil sa kakulangan ng guro sa Occidental Mindoro ay wala pang kapalit si Teacher Jay Ann kung kaya hindi pa siya makapagpahinga kahit na kabuwanan na niya.

Aminado naman si Teacher Jay Ann na mahiråp ang kanyang sitwasyon, "Bilang buntis po ay nahihiråpan ako syempre buhay ko yung nakasalalay doon. ako po ay panganakin na ngayong buwan. Baka manganak po ako agad kasi nga kabuwanan ko na."

Marami naman ang humahanga kay Teacher Jay Ann sa kanyang ssakripisyo makapagturo lamang.

Source: Noypi Ako
Buntis na Guro, Kinakailangan Tumawid sa Bangin at Maglakad ng 2-Oras Para Makapagturo! Buntis na Guro, Kinakailangan Tumawid sa Bangin at Maglakad ng 2-Oras Para Makapagturo! Reviewed by pinoyako on February 26, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close