BREAKING NEWS

Ryan Bang, Nawalan ng Kumpiyansa sa Sarili Kaya Huminto sa Pangliligaw kay Yeng!



Nag-viral kamakailan ang pagbunyag nina Yeng Constantino at Ryan Bang sa kanilang nakaraan. Nanligaw umano si Ryan kay Yeng noon ngunit hindi rin sila nagkatuluyan. Ayon kay Yeng, kinikilig umano siya noon kay Ryan ngunit nagulat na lamang siya nang bigla na lamang huminto si Ryan sa pangliligaw.




Inihayag naman ni Ryan ang kanyang dahilan sa paghinto niya sa panliligaw kay Yeng. Inakala niya noon na walang gusto si Yeng sa kanya ngunit nagkamali pala siya at humingi siya ng tawad kay Yeng dahil hindi niya ito kinumpronta.

Inamin din ni Ryan na naduwag siya noon kaya hindi na niya itinuloy ang kanyang nararamdaman para kay Yeng.





"Naduwag ako kaya hindi ko tinuloy yung nararamdaman ko. Hindi ko napanindigan yung nararamdaman ko kasi natakot ako sa sarili ko. Tuwing kumakain kami, sya nagbabayad. Gusto ko i-libre yung pamilya nya pero wala talaga akong pera eh.

"Pumunta ako sa concert nya ang daming tao, ang daming nagpapapicture pero ako walang nakakakilala sakin. Nahiya ako sa sarili ko. Hindi ako para sayo, yun yung nararamdaman ko."

Para kay Yeng, inisip niya noon na naartehan si Ryan sa kanya kaya tumigil ito sa panliligaw. Narito ang kabuuang video:



Source: Noypi Ako
Ryan Bang, Nawalan ng Kumpiyansa sa Sarili Kaya Huminto sa Pangliligaw kay Yeng! Ryan Bang, Nawalan ng Kumpiyansa sa Sarili Kaya Huminto sa Pangliligaw kay Yeng! Reviewed by pinoyako on January 29, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close