BREAKING NEWS

Watch! Raffy Tulfo, Tinulungan ang Pamilyang Nakatira sa Sementeryo!




Kilala si Raffy Tulfo bilang "Hari ng Public Service" dahil sa pagbibigay niya ng tulong sa mga nangangailangan. Maraming mga kababayan na natin ang nabigyan ng tulong ng programa ni Idol Raffy. Isa na lamang dito ang pamilya na humingi ng tulong kay Idol Raffy na nakatira sa sementeryo. At mga tira-tirang pagkain lamang sa restaurant ang pinagsasaluhan ng pamilya.




Ayon kay Sharon Dela Rosa, ay ibinenta umano nila ang bahay nila sa probinsya dahil nagbakasakali na giginhawa ang kanilang buhay sa Maynila ngunit naging kabaliktaran ang kanilang inakala dahil sa sementeryo lang sila nakatira at mga pagpag mula sa restaurant ang kanilang kinakain.

Wala ring ikinabubuhay ang mister ni Sharon na si Roger Nosiez. Tanging pag-aabang lamang ng mga tirang pagkain sa isang Chinese Restaurant ang kanyang inaasahan para mabigyan ng pagkain ang kanyang pamilya.





Nagmula pa sila Sharon sa Palawan. Dahil dito, naglikom si Idol Raffy ng pera para maibigay sa pamilya ni Sharon at makauwi na sila sa Palawan. Sa tulong nina Idol Raffy, Mar at Ralph ay nakalikom sila ng Php200,000 bilang panimula at pamasahe ng mag-anak sa Palawan.




Laking pasasalamat naman ng mag-asawa sa tulong na ibinigay nila Idol Idol Raffy. Narito ang kabuuang video:



Source: Noypi Ako
Watch! Raffy Tulfo, Tinulungan ang Pamilyang Nakatira sa Sementeryo! Watch! Raffy Tulfo, Tinulungan ang Pamilyang Nakatira sa Sementeryo! Reviewed by pinoyako on November 27, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close