BREAKING NEWS

OPM Legend Heber Bartolome, Pumånaw na sa Edad na 73!




Si Heber Gonzalez Bartolome (ipinanganak noong Nobyembre 4, 1948) ay isang Filipino folk and rock singer, songwriter, composer, makata, gitarista, bandurria player, bluesman, at pintor. Ang kanyang musika ay naiimpluwensyahan ng "stylistic tradition" ng Philippine folk and religious melodies. Siya ang nagtatag ng Banyuhay, isang "protest band" na may tatak na tunog ng kubing, isang katutubong instrumentong pangmusika sa Pilipinas.




Ang kanyang mga komposisyon ay inilarawan bilang isang "unique synthesis of rock and blues, and Philippine ethnic rhythms". Naging hit ang kantang "Nena" ni Bartolome noong 1977. Ang kanyang kantang "Tayo'y Mga Pinoy" ay isang finalist noong 1978 unang Metro Manila Popular Music Festival.

Nitong Nobyembre 15, 2021 ay kinumpirma ni Jesse, kapatid ni Heber, na namaalam na ang kapatid niya sa edad na 73.





Ayon kay Jesse, nakatanggap siya ng tawag nitong Lunes ng gabi na nawalan daw ng puls0 si Heber at dadalhin na sa Veterans Memorial Medicål Center sa Quezon City. Subalit pagkalipas ng ilang minuto ay nakumpirmang binawïan na ito ng buhay.




"Oo, kagabi lang... Ito nam4tay si utol," ani Jesse sa panayam. "Biglaan. Masaya pa kami noong birthday niya eh nitong nakaraang Tuesday," dagdag niya.

Ayon kay Jesse, mahigit isang taon nang may bato sa pr0state si Heber at baka ito raw ang sanhi ng kanyang pagkam4tay.

Source: Noypi Ako
OPM Legend Heber Bartolome, Pumånaw na sa Edad na 73! OPM Legend Heber Bartolome, Pumånaw na sa Edad na 73! Reviewed by pinoyako on November 16, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close