BREAKING NEWS

Watch | Mister ni Sonia Gregorio, Nakita Umano ang Reaksyon ni Jonel Nuezca nang Masintensyahan!




Ngayong araw, Agosto 26, ay nakamtan na ng mga naulilang pamilya ng mag-inang Gregorio ang hustisya. Ilang buwan na ang nakakalipas ng pumutôk ang balita tungkol sa pagkitïl ng buhay ng dating pulis kina Nanay Sonia at sa anak niyang si Frank Gregorio. Sa tulong ni Idol Raffy Tulfo ay mas napabilis ang pag-usad ng kasô labån kay Jonel Nuezca.




Hinatulan ng panghabangbuhay na pagkakakulông si Nuezca at pinagbabayad ng halos Php 1million bilang kabayaran sa pagbawi sa buhay ng mag-ina.

Base naman sa naging panayam ni Idol Raffy sa mister ni Nanay Sonia, ay nakita umano nito ang naging reaksyon ni Nuezca nang mahatulan ng korte. Binaggit din niya ang itsura ngayon ni Nuezca. "Payat po siya saka medyo tumanda siya... Naiyak po siya, 'yun po ang napansin ko sa kanya," ani ni Tatay Florentino.





Ayon sa abogado ng pamilya Greagorio na si Atty. Freddie Villamor, mapalad umano ang kanyang kliyente dahil naging mabilis ang takbo ng kaso na umabot lamang ng walong buwan.




Labis naman ang pasasalamat ng pamilya Gregorio sa tulong ni Idol Raffy para sa kanila at maging sa mga netizens na sinubaybayan ang hiling nilang hustisya para sa mag-ina.

Narito ang kabuuang video:


Source: Noypi Ako
Watch | Mister ni Sonia Gregorio, Nakita Umano ang Reaksyon ni Jonel Nuezca nang Masintensyahan! Watch | Mister ni Sonia Gregorio, Nakita Umano ang Reaksyon ni Jonel Nuezca nang Masintensyahan! Reviewed by pinoyako on August 26, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close