BREAKING NEWS

8-Anyos na Batang Babae, Nagsilbing Ina sa Kanyang 4 na Kapatid Dahil May Malubhang Karamdamån ang Ina!




Malaki at mabigat na pasanin ang pasan-pasan ng walong taong gulang na batang babae. Bukod sa pagluluto at paglilinis ng bahay, ay nagsilbi siyang ina ng apat niyang mga kapatid. Sa murå rin niyang edad, ay imbis na nakikipaglaro sa ibang mga bata ay siya mismo ang nag-aalaga, nagpapakin at nagpapaligo sa kanyang ina na may karåmdaman.




Ang kuwento ng batang si Jenny ay mabilis na nag-viral matapos na maabutan sila ng tulong ng isang vlogger na si Virgelyncares.

Lubhang mapayåt ang ina na si Jewel at walang nutrisyon na pumapasok sa kanyang katawan kaya bumagsak ang kanyang kalusugan. Kapapanganak lamang niya noon sa kanyang bunso nang bigla siyang magkasåkit. Si Jenny na panganay na anak ni Jewel ang nag-aalaga sa kanyang mga kapatid.

Habang ang ina ay nakahiga ay abala naman si Jenny sa pag-aasikaso sa mga kapatid. Ang ama ni Jenny ay sa laot naghahanapbuhay kaya wala rin siyang ibang aasahan kung hindi ang sarili niya.





Inamin niyang nahihiråpan na siya sa kanyang sitwasyon kaya ang tanging hiling na lamang niya ay gumaling ang kanyang ina.

"Nahihirapan din po. Masaya ako na natutulungan si Mama," saad ni Jenny.

"Ang gusto ko lang sabihin ay magpagaling at ingatan ang sarili niya, para kami naman ang alagaan niya."

Lubos naman ang pasasalamat ni Jewel sa tulong na natanggap niya mula sa vlogger. Sa ngayon ay patuloy na ang kanyang pagpapagaling at nakakatayo na din. Naging mas maayos na ang kanyang kalagayan kumpara sa naunang pagbisita ng vlogger sa kanilang tahanan.



Source: Noypi Ako
8-Anyos na Batang Babae, Nagsilbing Ina sa Kanyang 4 na Kapatid Dahil May Malubhang Karamdamån ang Ina! 8-Anyos na Batang Babae, Nagsilbing Ina sa Kanyang 4 na Kapatid Dahil May Malubhang Karamdamån ang Ina! Reviewed by pinoyako on August 28, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close