BREAKING NEWS

Watch | Lolo, Walang Suot na Damit at Nakahiga lamang sa Lapag na Puno ng Basura!



Isang concerned netizen ang nagbahagi ng video kung saan makikita ang isang lolo na nakahiga sa lapag na walang kahit na anong suot na damit at punong puno ng basura ang paligid ng kanyang hinihigaan. Pahayag ng concerned netizen na si Anton Beterano ay hinihiling niya na sana ay makarating ito sa mga programa gaya ng Kapus0 Mo, Jessica Soho at kay Raffy Tulfo.


Maririnig sa uploader na pinabayaan si Tatay ng kanyang mga anak. Lubhang nakakaawa ang kalagayan ni Tatay. Naisip ni Anton na kuhanan ng video ang nakakaawang sitwasyon ni Tatay upang humingi ng tulong at mabigyan ng pansin si Tatay. 

Nananawagan din si Anton na i-share ang kanyang video upang sa gan'on ay maipaabot at maipaalam ito sa mga nasabing programa.


Marami naman sa mga netizens ang naantig sa sitwasyon ni Tatay at mayroon din na nagkomento ng hashtags na may iba't ibang programa. Umabot na sa 1.5k reactions, 1.3k comments at 21k shares ang naturang post. Sana ay makarating ito sa mga naturang programa upang mabigyan ng tulong si Tatay. Para naman sa mga nais tumulong ay narito ang kabuuang video at panoorin:


Source: Noypi Ako
Watch | Lolo, Walang Suot na Damit at Nakahiga lamang sa Lapag na Puno ng Basura! Watch | Lolo, Walang Suot na Damit at Nakahiga lamang sa Lapag na Puno ng Basura! Reviewed by pinoyako on April 21, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close