BREAKING NEWS

Watch | Ama ng mga batang gumawa ng plastik na lobo Tutulungan ni Idol Raffy Tulfo!


Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang kwento ng mga bata na nagsurpresa sa kanilang ama noon Abril 5, lunes. Dahi sa kakapusan ay naisip ng mga bata na gumawa ng lobo na gawa sa plastik-labo at saka isinabit sa mga kawan at alambre. Gumawa din ang mga bata ng cake na gawa sa milo at itog.



Dahil dito, marami sa mga netizen ang naatig sa kabutihan ng puso ng mga bata. Kumalat sa internet ang mga larawan na talagang nakakalambot ng pus0. Ang uploader ng larawan ay si Melody Silang na kapitbahay ng mga batang gumawa ng surpresa para sa kanilang ama.

Nakarating naman ang balitang ito sa programa ni Raffy Tulfo. Kwento ng ama ay talagang napaluha siya sa ginawa ng kanyang mga anak.

Ayon naman kay Melody Silang ay lumabas ang mga bata at sumigaw na tingnan ang ginawa nilang surpresa para sa kanilang ina. Noong una ay natawa si Melody nang makita ang mga lobo na yari sa plastik-lobo at may nakasulat pa na 'Happy Birthday Papa' at may hugis puso pa.

Kinwento naman ng may ideya ng surpresa na pinulot lamang nila ang plastik-labo at ang itlog na ginamit sa paggawa ng cake ay inutang lamang nila. Laking gulat naman ni Raffy Tulfo sa sinambit ng bata.


Dahil dito, magbibigay si Raffy Tulfo ng Php30,000 sa bawat anim na anak ni Tatay Buhay na pawang pangangalakal ang pinagkakakitaan. Php10,000 naman ang inilaan ni Tulfo kay Tatay Buhay at sa misis nito gayundin ang hiling na cellphone ng mga bata para sa ama.

Maging si Melody na nagmalasakit na mag-upload ng kwento ng mag-anak ay mabibiyayaan din ng Php5,000. Bukod pa sa mga biyayang handog ni Tulfo, isang netizen din ang magpapaabot ng tulong kina Tatay Buhay na nagkakahalaga ng Php30,000.


Source: Noypi Ako
Watch | Ama ng mga batang gumawa ng plastik na lobo Tutulungan ni Idol Raffy Tulfo! Watch | Ama ng mga batang gumawa ng plastik na lobo Tutulungan ni Idol Raffy Tulfo! Reviewed by pinoyako on April 10, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close