BREAKING NEWS

Magkakaibigan, sinurpresa at pinaghanda ang kanilang matalik na kaibigan sa kaarawan nito


Viral ngayon ang isang post ni Drayco Linnus Sudaria na humakot ng 200k reacts, 8k comments at 115k shares. Ang post ni Drayco ay nagpapakita ng surpresa para sa kaarawan ng kanilang kaibigan na si Biboy.

Nakakatuwa na ang mga kabataan na ito ay ipinaghanda ang kanilang kaibigan at sinurpresa pa nila ito. Kahit na simple lamang ito ay makikita sa kanila na masaya ang kanilang samahan bilang magkakaibigan. Ipinagdiwang ng magkakaibigan na ito ang ika-11 kaarawan ni Biboy.



"Kasi po, wala po silang handa sa birthday niya. Kaya nag-ambagan po kami ng kaibigan ko at pinsan ko para ibili siya ng tinapay at cupcake. Nakita namin na masaya talaga siya at na-surprise talaga siya," salaysay pa ni Drayco sa News5.



Tila isang biyaya ang magkaroon ng mga ganitong klase ng kaibigan, na ituturin kang hindi iba at papasayahin ka sa paraan na kaya nila- nagtulong-tulong para mairaos ang simple ngunit masayang selebrasyon ng kaarawan ni Biboy. Nawa ay magpatuloy ang maganda nilang samahan bilang magkakaibigan.
Source: Noypi Ako
Magkakaibigan, sinurpresa at pinaghanda ang kanilang matalik na kaibigan sa kaarawan nito Magkakaibigan, sinurpresa at pinaghanda ang kanilang matalik na kaibigan sa kaarawan nito Reviewed by pinoyako on February 24, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close