BREAKING NEWS

Balut Vendor, Nanlumo ng magkalat ang Panindang Balut dahil sa Clearing Operation ng mga Awtoridad



Nanlumo na lang ang isang vendor matapos magkalat ang paninda nyang balut dahil sa clearing operation ng mga awtoridad.

Mayroong napakaraming uri ng mga street vendors dito sa Pilipinas. Mayroong nagtitinda sa kariton, naglalako ng mga kakanin, mga balut vendors at iba pa. Kahit na isang marangal na paghahanap buhay ang pagtitinda, dapat ay sumusunod rin ang ating mga street vendors sa batas ng lipunan. '


Mayroong mga lugar na kung saan ipinagbabawal ang mga street vendors dahil nagiiwan sila ng kalat o di kaya ay nakakantala sila sa normal na operasyon ng lipunan.Ngunit dahil marami ang mga bumibili ay napipilitan silang hindi sumunod sa batas. Tulad na lamang ng isang insidenteng nasaksihan ng isang netizen na ibinahagi niya sa kanyang social media account.

Ang pangyayari ay naganap sa Colon Street sa Cebu City. May mga awtoridad ang dumating at nagsagawa ng clearing operation sa mga kalye at kinumpiska ang mga kariton na nakakalat sa high way.
 


Naintindihan naman ng netizen na trabaho lamang ng mga awtoridad ang ginawang pag-iimpound ng mga illegal street vendors ngunit nang makita niya na pinupulot ng tindero ang mga nagkalat niyang mga panindang balut ay nalungkot ito.

Ayon sa kanyang caption, sana ay hindi na lang sana umabot sa ganoon ang pangyayari. Maaaring dinaan na lang sana sa maayos na usapan at hindi na kailangan pang tumapon ang mga iba't ibang paninda sa daan.


Na-witness rin daw niya kung paano trinato ang mga street vendors ng mga awtoridad na sana ay nag-usap na lamang sila ng mabuti at saka maayos na kinumpiska ang mga kariton. Hindi na sana pinagtatapon ang mga paninda dahil kung susumahin ay mahal din ang mga iyon.

Hinaing pa ng netizen na marangal na naghahanap buhay si kuya. Alam rin naman daw ng mga illegal street vendors na huhulihin sila ng mga awtoridad pero kailangan lang daw talaga nilang magtinda para may pangkain at mabuhay.

Source: Noypi Ako
Balut Vendor, Nanlumo ng magkalat ang Panindang Balut dahil sa Clearing Operation ng mga Awtoridad Balut Vendor, Nanlumo ng magkalat ang Panindang Balut dahil sa Clearing Operation ng mga Awtoridad Reviewed by pinoyako on October 25, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close