BREAKING NEWS

Willie Revillame binuking ng intern, bawal raw tignan at kausapin?

Willie Revillame binuking ng intern, bawal raw tignan at kausapin?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang viral video clip ng isang nagpakilalang intern ng naging programa ng TV host na si Willie Revillame.

Sa podcast na “Walang Edit Edit” ni Leland Lim, nagkuwento ang dating production intern ma si Dex Conche sa kanyang naging karanasan sa noontime show na “Wowowee”.

Chika ng dating intern, mayroong isang mahigpit na rule na pinagbabawalan ang mga staff na tumingin o lumapit kay Willie.

“Bawal mo siya tingnan. Production intern ako within the studio at that time. Huwag mo siyang lalapitan. Kapag magkakasalisi kayo, umiwas ka ng tingin talaga,” lahad ni Dex.

Baka Bet Mo: Willie Revillame may handog na libreng sakay para sa commuters

Pagpapatuloy pa niya, mahigpit na pinapatupad ang naturang utos na ito dahil kung magkamali silang masuway ang rule ni Willie ay maaaring maapektuhan ang kanilang mga supervisor.

“Kasi ang mapa-fire ‘yung supervisor. Bawal rin siyang [kausapin],” sabi pa ng intern.

May pasabog rin ito tungkol sa “pa-jacket” ni Willie dahil siya rin daw ang naging taga-abot ng jacket sa opisyal na nag-aabot ng jacket sa show.

Agad namang umani ng samu’t-saring komento mula sa madlang netizens kung saan may mga nag-comment at nagsasabing parehas sila ng naging karanasan.

“Totoo yan. Yung mga tech namin eh may sarili daw siyang walkway. Pag may dumaan daw don tanggal. hahahaha,” saad ng isang netizen sa naging karanasan umano kay Willie.

Comment naman ng isa, “Totoo yan. Kwento din sakin ng pinsan ko na nagwo-work sa GMA, bawal din na sumabay sa kanya sa elevator.”

“Yes totoo yan kasi yung pinsan ko construction worker sa bahay ni kuya willie….pag dating nya galing sa kung saan tas naka helicopter yan sha bawal talaga shang tignan tsaka kahit babae na kasama nya bawal din tignan kasi kung nagkataon na nakita nyang nakatingin ka sakanila,abay mag impake kana tas may bunos pang sermon yan,” sey naman ng isa.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa TV host kaugnay sa mga kumakalat na alegasyon.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ni Willie hinggil sa isyung kumakalat.

The post Willie Revillame binuking ng intern, bawal raw tignan at kausapin? appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Willie Revillame binuking ng intern, bawal raw tignan at kausapin? Willie Revillame binuking ng intern, bawal raw tignan at kausapin? Reviewed by pinoyako on May 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close