Orange & Lemons aprub ba ang AI sa musika? ‘Huwag mo lang iasa lahat!’
SA gitna ng lumalakas na usapin tungkol sa artificial intelligence (AI) sa music industry, may malinaw na paninindigan ang Orange & Lemons.
Giit nila, pwedeng gamitin ang AI bilang tulong pero hindi dapat ito ang pumalit sa tunay na likhang-sining.
Sa press conference na dinaluhan ng BANDERA, naging bukas ang banda lalo na sina Ace Del Mundo at Clem Castro sa kanilang pananaw tungkol sa kontrobersyal na teknolohiya.
“Kami kasi hindi high-tech. Pero ‘di naman masama siguro gumamit paminsan-minsan. Tsaka huwag lang sobrang siguro na kumbaga, iaasa mo nalang lahat sa AI. Help, pwede yan. Pero yung talagang para mapadali nang sobra, hindi ka na mag-iisip, parang hindi na maganda ‘yun,” sey ni Ace.
Baka Bet Mo: Orange & Lemons sa naging isyu sa ‘Pinoy Ako’: ‘It changed us!’
Para naman kay Clem, hindi na maiiwasan ang pagpasok ng AI sa industriya at kailangang harapin ito ng mga artist.
“AI is here to stay, let’s face it… We’re trying to catch up with the times,” sambit niya.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid02DLKXQ6pYrjQZNmDLQrFGdTWWbAfoxeCKsYfeUDAK5FuUM2h7imwp52L4QK9xF4j1l&show_text=true&width=500" width="500" height="773" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Aminado rin ang frontman na nahuhuli sila pagdating sa teknolohiya at social media, ngunit ginagawa nila ang lahat para makahabol at manatiling relevant.
“Even sa social media, tamad kami eh. Hindi nga kami active sa TikTok eh. Which is a flaw, I think. Kasi if we want to really reach out to more people, we have to share our work.” pag-amin niya.
Gayunpaman, sinubukan na rin nila ang AI, at nakikita nila ang potensyal nito lalo na sa mga propesyonal na artist.
“I tried AI. I think everyone is curious about AI. We’ve tried it… Pero yung mga professional, gumagamit lalo ng AI, mas lalo nag-expand yung horizons nila. That’s a good thing,” chika ni Clem.
Ngunit may babala rin ang bokalista sa posibleng abuso ng teknolohiya, lalo na kung ginagamit ito para manipulahin ang sistema.
Sa kabila ng kaalaman nila sa “formula” ng paggawa ng hit songs, mas pinipili nilang manatiling tapat sa kanilang musika.
“Honestly, as a songwriter, if you want to make a lot of money, we can. We know the formula, but we’re not going to do that because we’re thinking about our legacy,” saad ni Clem.
Patuloy niya, “Kaya namin gumawa ng another ‘Pinoy Ako.’ But we will not do that… It doesn’t define us as musicians and songwriters.”
Sa kabila ng mabilis na pagbabago sa industriya, tuloy pa rin ang banda sa paglikha ng musika na may puso at saysay.
Isa na rito ang kanilang paparating na album na VISIONS OF AMBER, isang all-English project na may impluwensya ng 60s at 70s pop, at target makatawid sa global audience.
Kasabay nito, aarangkada rin ang kanilang Europe tour ngayong Mayo hanggang Hunyo, na magdadala sa kanila sa mga lungsod tulad ng Dublin, London, Milan, Madrid, Paris, at Amsterdam.
The post Orange & Lemons aprub ba ang AI sa musika? ‘Huwag mo lang iasa lahat!’ appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 30, 2026
Rating:

No comments: