BREAKING NEWS

Manon ng KATSEYE absent sa Coachella 2026

Manon ng KATSEYE absent sa Coachella 2026

HINDI umano makakasama si Manon sa KATSEYE para sa kanilang pagtatanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival.

Ito ayon sa eksklusibong ulat ng The Korea Herald noong Huwebes, April 9.

“Manon remains on hiatus,” sinabi ng Hybe sa publikasyon nang tanungin tungkol sa kanyang paglahok sa festival.

Magtatanghal ang KATSEYE sa Coachella sa Los Angeles, California sa Abril 10 at Abril 17.

Baka Bet Mo: Manon tuluyan na bang lalayasan ang girl group na Katseye?

Matatandaang noong February nang inanunsyo ng KATSEYE ang pansamantalang pagpapahinga ni Manin sa mga activities ng grupo para mag-focus sa kanyang health at well-being.

Sa unang bahagi rin ng buwang ito, marami ang nag-aalala para sa dalaga matapos niyang alison sa kanyang Instagram bio ang pangalan ng kanyang girl groupz

Gayunpaman, in-assure ni Manon ang mga tagahanga na nasa maayos siyang komunikasyon sa Hybe at Geffen Records.

Sa naunang ulat ng The Korea Herald, tumanggi ang Hybe na magbigay ng komento sa mga espekulasyon na aalis si Manon sa Katseye matapos alisin ang pangalan ng grupo sa kanyang Instagram bio.

Kapansin-pansing wala si Manon sa mga promosyon ng grupo para sa kanilang pinakabagong single na “Pinky Up.”

Nag-debut ang Katseye noong 2023 at kilala sa kanilang mga kantang “Gabriela,” “Gnarly,” “Gameboy,” “Touch,” at “Debut.”

The post Manon ng KATSEYE absent sa Coachella 2026 appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Manon ng KATSEYE absent sa Coachella 2026 Manon ng KATSEYE absent sa Coachella 2026 Reviewed by pinoyako on April 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close