Kiray Celis maswerte sa mister: ‘Daig ko pa ang Disney princess!’
TRENTAHIN na si Kiray Celis pareho sila ng kanyang asawang si Stephan Estopia at pangarap ng huli na magkaroon sila ng pitong anak kaya kailangan magpataba ang una.
Kaya sa bago niyang produktong inilabas under Kiray’s brands na Skin Vibe Barley Juice at SkinVibe Barley Coffee, Hello Bloom, Hot Babe, Skin Vibe at Day-Li ay inaming siya muna ang sumusubok lahat bago niya ilabas sa market.
“Actually, nagpapataba ako ngayon kasi underweight ako sa height ko. Underweight ako sa weight ko. Since gusto na ng asawa kong mag-start ng family, itong Barley Juice at Barley coffee ko ay makakatulong sa may mga PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) at may Myo-inositol kasi ito, so, perfect kasi mag-start na kami ng family. At bago ko ilabas sa market, ako una ang nag-try kaya medyo nagi-gain ako ng weight at kapag hindi ka dinadatnan every month nakakatulong din,” sey niya.
At bilang si Kiray ang CEO (Chief Executive Officer) ng Kiray’s Brands ay inaming on leave siya sa showbiz career niya.
Baka Bet Mo: Wedding gown ni Kiray Celis umabot sa P5-M ang presyo, true ba?
“Sa ngayon, yes. At tsaka po siyempre mahirap kapag bumalik ako sa showbiz, tapos biglang nagka-family ako bigla. Hindi ko alam kung paano ako papatayin sa eksena. Noong time na ‘yun, mga dalaga pa naman ako. So, wala naman. So okay lang.
“Pero ngayon, parang feeling ko po, okay po muna mag-business. Tsaka ikinasal ako. Nu’ng bago naman ako ikinasal, nagpaalam ako sa manager ko sa Sparkle.
“Na soon, mag-i-start na rin ng family. Kasi mag-aasawa. So ano ba namang next? Tsaka ‘yung asawa ko, excited talaga siyang magkaroon ng anak. Pito ang pangarap niya, ‘di ba? Seven pa naman ‘yung pangarap ko,” esplika ni Kiray.
At dahil pito ang kailangang bunuin nina Kiray at Stephan ay pabiro siyang tinanong ng entertainment media kung araw-araw silang gumagawa, lalo’t nasa honeymoon stage sila.
“Hindi ko nga kaya araw-araw, e! Hindi ko talaga kaya. Bigyan niyo ako ng tips, o kita n’yo natawa kayo?” kaswal na sabi ng negosyanteng actress at content creator.
“Gaano kadalas? Feeling ko mas madalas ka pa rin, Tito, ha, ha, ha,” sagot ni Kiray kung madalas nilang gawin.
Natanong kung nahirapan si Kiray sa adjustment ngayong may asawa na siya.
“Single to married? Hindi. Parang bestfriend ko kasi ‘yung asawa ko. So wala namang adjustment. Tsaka mahal na mahal siya ng family ko talaga.
“Siguro pinagkaiba lang, ngayon magkasama kami sa bahay everyday. Pero kasi, siguro ‘di ba po, noong bata kasi ako, laging nandiyan sina Mama saka sina Papa nag-aalaga sa akin, alalay. Parang hindi nawala si Mama at si Papa, kasi ganun siya (Stephan) sa akin.
“Tapos yung business niya, ang nagha-handle, ‘yung kapatid ko. Pinaalis namin ‘yung kapatid ko sa work niya. Tapos ‘yung business ng asawa ko na mga paupahan at tsaka computer shop, siya ‘yung nagha-handle.
“Para nasa akin siya (Stephan). Every day! Every day, tapos ngayon, may editor kami pero nag-e-edit na rin siya ng iba kong videos. Tapos nagbi-video siya ng mga videos ko. Randomly ganun yung mga ginagawa niya. Gusto niya talaga, all-around sa akin.
“Sobrang grabe yung asawa ko talaga,” pagmamalaki ni Kiray sa asawa.
Sabi namin na, “Disney Princess” ka pala at sinagot kami ng, “Hindi! Sabi n’yo, Disney princess ako? Mas malala pa ako sa Disney princess! Kasi ‘yung Disney Princess, nagluluto ‘yun, e, ‘di ba naglilinis. Si Cinderella, masipag ‘yun. Hindi ako ganun, e.”
“Talaga ba? Ano ginagawa mo lang,” tanong namin.
“Ako yung daga doon! ‘Yung daga, kasi wala talagang ginagawa,” natawang sagot ni Kiray.
Nang usisian naman kung paano naman siya bumabawi sa asawa?
“Pinapayagan ko siyang mag-computer, ganu’n. Wala, ganun lang. Yun nga, kasi napansin ko, siguro dahil late bloomer ako at late ako nag-asawa, hindi nga ako mahilig,” natawang sabi pa nito.
Tinanong din namin kung paano niya pagsilbihan ni Kiray si Stephan.
Tawa muna ng tawa si Mrs. Estopia, “Siya na lang ang tanungin ninyo. So hindi ko talaga kaya everyday kagaya nu’ng mga gusto niyong mangyari! Kung pinipilit niyo, hindi talaga!”
Inamin ding hindi niya napagbibigyan ang asawa kapag nangalabit dahil pagod daw siya, saan naman siya napagod?
“Siyempre, nagla-live ako ‘di ba? Pag nagla-live naman ako, asawa ko naman ‘yung taga-check ng stock. Tapos minsan kunyari, trip-trip ko kasi, pag nagla-live ako, live packing.
“Kunyari iba-bubble wrap nu’ng asawa ko, tapos ako na ‘yung maglalagay sa itim na plastik na dumarating sa inyo. Once a week lang ako mag-live packing. Every Friday,” paliwanag ni Kiray.
Kung abala sila pareho paano mabubuo ang pitong anak?
“Seven ang gusto ko pero hindi ko alam nga, parang mali ‘yung desisyon ko. Kung ilan na lang yung ibigay. Kasi, 31 na po ako, ‘di ba? Alam niyo ‘yan, bata ako nagtrabaho. Bata ako nag-start. So feeling ko, ngayon ko lang nae-enjoy yung sarili ko na, ‘Ay! Ganito pala ang feeling na may asawa, ganyan. Na kaming dalawa na lang talaga. Sana this year, masabi ko sa inyo na pregnant na ako,” pahayag ni Kiray.
Napansing maganda talaga ang packaging ng Kiray’s Brands at sey ni Kiray ay magaling ang kanyang marketing arm.
“Sales at marketing arm ang Purple Hearts Production, na pawang nag-ambag sa tagumpay ng programa, bukod sa Barley juice and coffee ay may skincare products tulad ng sabon, facial foam wash, serum, at lotion na may sangkap na Niacinamide, Ceramide, at Gigawhite,” saad ni Kiray.
The post Kiray Celis maswerte sa mister: ‘Daig ko pa ang Disney princess!’ appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 11, 2026
Rating:

No comments: