Jellie Aw kinontra mga pasabog ni Jo Aw: Huwag kang pa-VICTIM!

NIRESBAKAN ng DJ at content creator na si Jellie Aw ang ginawang pambabasag sa kanya ng mga kapatid sa social media na may konek sa isyu ng pera.
Nagsimula ang bardagulan ni Jellie at ng kapatid na si Jo Aw pati na ng bunso nilang kapatid nang mag-post ang content creator sa My Day ng litrato nila ng kanilang nanay.
Mababasa rito ang text caption ni Jellie na, "I loveyou.. Busog nnamn ang bulsa ni mother [laughing in tears emoji] sana yung binibigay ko wag mo bigay sa mga kups eme!"
Sinagot naman ito ni Jo ng, "Tigilan mo kakapost ng masama samin jellie aw nanahimik na kami ilang buwan na? wala kang trip?
"Baka gusto mong sabihin ko lahat dito. siniraan mo na nga kami nanahimik lang kami kahit di naman totoo.
"Pinayagan namin pumunta ang mama sayo dahil lang sya nagpupumilit.
"Salamat ha sa ambag mong 10k sa hundred thousand na pang opera ng mama ko. kayo dahilan ng stress ng mama nuon kaya lumala sya. makonsensya kayo."
Ang tila pagbabanta pa ni Jo, "MGA TOTOONG KILALA KO LANG MAY ALAM NG KWENTO DITO. TAG NYO O PA SS. DIYOS NA BAHALA SAYO
"NANG AAGRABYADO KAPA NG MGA TAHIMIK AT GUSTO NG PAYAPANG BUHAY.
"FOCUS KA SA BUHAY MO. WAG KANG PURO CLOUT SA BUHAY TANDA MO NA. MADAMI AKO GUSTONG SABIHIN PERO DAHIL MAY RESPETO PA KO SAYO WAG MO LANG INI-INVOLVED MAGULANG KO."
Umalma naman si Jellie sa mga rebelasyon ni Jo, "Gumawa nlang ng kwento para kaawan GO biii kunin mo simpatya ng tao tapos damay nyo yung nananahimik haaha! Tinamaan ka eh noh?
"Sinampal ka ng katotohanan? Nagsulisit asan pera? pina laser daw pinakita ng nanay ko SCAN lang biiiii hindi laser yun umiinda c mama need opera sabi ko sige need ko muna makausap nag laser hindi daw.
"Pati nanay natin tinuruan nyo mag sinungaling? san po dinala sulisit? diko naneed paalam pa sa inyo mga binibigay ko sa nanay ko baka dimo kayanin sis.
"Sabi nga ni mama 'sabi ko dimo ako binibigyan kasi baka dika nadaw magbigay' pag nalalaman mong malaki binibigay ko," resbak ni Jellie.
Depensa pa ng vlogger sa sarili, "Marami nakong napatunayan bilang ATE nyo at bilang BREADWINNER! Nag aaral palang ako tumutulong nako sa inyo never ako nanumbat 10k pinagsasabi mo? baka mapahiya ka!
"Ikaw nga napag tapos ko na wala ka man lang pasasalamat! Ikaw nga ginapang ko para makatapos kalang sinasanla ko lahat ng alahas ko para my pang tuition ka alam ni mama yan dahil umiiyak ako pag wala kang pang tuition 1k na tf pinapatos ko para my pang baon kayo AT ALAM MO YAN! wag kang pa VICTIM!"
Naibahagi rin ni Jellie na naloko raw ng "scammer" si Jo, na isa sa mga naging dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan nilang magkakapatid.
"Naniwala kayo sa scammer na baboy ngayon nahihirapan ka nagkaka utang ka papaandaran moko ng ganyan? Wala ako dapat ipaliwanag dahil pinili mo yan ikaw may gusto nyan.
"At ikaw mismo alam mo HIRAP ko sa pamilya natin! isang ATE mo lang diko na kayo matiis! pag wala ka pera mag lalive tayo para magkapera ka!
"Wala pang bayad yung parcel nag aadvance kana napaka UNGRATEFUL mo dadamay mo pa tao na wala naman ginagawa. Lahat ng naging trabaho ko pinasok kita di ako naging madamot sayo.
"PERO WAG NYO NAMAN IPILIT SAKIN YUNG LALAKENG SCAMMER NA YUN! alam ko nakinabang kayo kaya lumayo din ako sa inyo diko kaya yon pero ano ginawa sa inyo? Pinaikot kayo diba? gumawa ng kwento kaya nag away away tayo dba?
"FYI MAY PERA AKO AT KAYA KO MAGWORK KAYO NGA nabuhay ko ng kalahati ng buhay ko! Na never ako Nakarinig ng OKAY KALANG ATE? SALAMAT HA!?"
"Kaya tigilan moko sa pagiging pavictim mo! Ngayon kalang tumulong kay mama kala mo naman tlga tumtulong ka?
"REAL TALK lang at masaya ko na tumulong kna ngayon dahil c mama nag aalaga ng anak mo.
"Maawa kadin minsan sa mama magpaka nanay kadin minsan anak mo uwian 2pm masusundo mo 4pm. minsan umiinda yan na sana bigyan nyo sya. Kaya wag mo sasabhn na 10klang natulong ko? PATAWA ka!"
The post Jellie Aw kinontra mga pasabog ni Jo Aw: Huwag kang pa-VICTIM! appeared first on Bandera.

No comments: