Higit P19-B ibabalik ng GSIS sa mga may utang na members, pensioners

Inanunsyo ng Government Service Insurance System (GSIS) ang paglalabas ng higit P19 bilyon sa ilalim ng kanilang Balik Ginhawa program.
Nabatid na sakop ng programa ang may 1.37 milyong miyembro at pensioner na may aktibong loan accounts at sila ay posibleng makatanggap ng mula P12,000 hanggang P117,000 depende sa halaga ng kanilang utang.
Sinabi ni GSIS President at General Manager Wick Veloso layon ng programa na makapagbigay ng mabilis at konting ginhawa sa mga miyembro at tumatanggap ng pensyon.
Paliwanag niya ang mga tanging sakop ng programa ay ang mga nakapaghulog ng bayad sa kanilang utang mula noong nakaraang Disyembre hanggang Pebrero ngayon taon.
Idinagdag pa ni Velasco na sa halip na suspindihin nila ang paghulog sa utang, minabuti nilang magbigay na lamang ng refund upang agad na makatulong sa kanilang mga miyembro at pensioner.
The post Higit P19-B ibabalik ng GSIS sa mga may utang na members, pensioners appeared first on Bandera.

No comments: