Charo Santos sa pagbabalik ng MMK: ‘Hoping for season 2 this year’

MAKALIPAS ang dalawang taong hiatus, umaasa si Charo Santos-Concio na magkakaroon ng bagong season ang "Maalaala Mo Kaya (MMK)" ngayong taon.
"Yung MMK lang ang nagpahinga din after ABS-CBN lost its franchise. We're hoping that, you know, there will be a season two this year. I'm just keeping my fingers crossed," sey niya sa isang interview na iniulat ng ABS-CBN News.
Dagdag pa niya, "I've reached the stage where I take things one day at a time. We don't anymore lose sleep over concerns."
Saad din niya, "I'm just so grateful for all the blessings that came my way. So everyday is really just an opportunity to learn and to say thank you that I'm still around and still very much alive."
Baka Bet Mo: Charo Santos may pakiusap sa mga estudyante para sa Pinoy media
Nakilala si Charo bilang mukha ng MMK, ang pinakamatagal na drama anthology sa bansa na nagsimula pa noong 1991.
Bukod diyan, mas sumikat din siya bilang mapagmahal na lola ni Coco Martin sa hit action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."
At ngayong taon, tampok naman siya sa LGBTQ-themed film na "Until She Remembers," na muling pinapakita ang kanyang galing sa pag-arte.
Halos isang dekada na rin mula nang bumaba si Charo sa pwesto bilang president at CEO ng ABS-CBN, at sinabi niyang nakatuon na siya ngayon sa mga bagay na gusto niyang gawin, kabilang ang social media at pag-arte.
"I've retired from corporate life for the past 10 years so I have more time to do the things that I want to explore, like doing TikTok," pagbubunyag niya.
Kwento pa niya, "When I was still a TV executive, ayan talagang you really have to know your priorities. Bina-balanse mo ang panahon mo sa trabaho mo, sa pamilya mo, sa personal life mo. So it's really finding that balance. There are no hard and fast rules. You just have to know your priorities."
Sa kanyang personal na buhay, hindi rin nakaligtaan ni Charo ang pasasalamat sa suporta ng yumaong asawa niyang si Cesar Rafael Concio Jr., na kasama niya sa higit 40 taon ng pagsasama.
"He allowed me to discover my own person. So may respeto kami doon, rerespetuhin mo din 'yun dahil binigyan ka ng pagkakataon. So you don't abuse that, you know. You don't abuse that privilege," aniya.
The post Charo Santos sa pagbabalik ng MMK: 'Hoping for season 2 this year' appeared first on Bandera.

No comments: