BREAKING NEWS

Ashley Rivera nagpakatatag para sa inang may cancer: Don’t take my sunshine away

Ashley Rivera nagpakatatag para sa inang may cancer: Don't take my sunshine away

SA likod ng kanyang mga masasaya at nakakatawang content sa social media ay mayroon palang mabigat na laban na kinakaharap si Ashley Rivera.

Sa isang Instagram reel, ibinahagi ng actress-content creator ang matapang na pakikipaglaban ng kanyang ina sa sakit nitong cancer.

Sa isang Instagram Reel, ibinahagi ni Ashley ang kanyang attempt na patawanin ang ina sa maliit na megaphone.

Kasinos nito ay ang pagharana niya sa inang nakahiga sa hospital bed ng kantang "You Are My Sunshine".

Baka Bet Mo: Ashley Rivera: Hindi dapat laging involved ang dyowa sa lahat ng ganap!

"Please don't take my sunshine away," saad ni Ashley sa kaniyang caption.

Pagpapatuloy pa niya, "I wish this was just an April Fool's post but this is my reality now."

Payo pa ni Ashley sa madlang netizens, "Tell your parents how much you love them while you still can."

Samantala, nagpaabot naman siya ng pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng mensahe ng pagmamahal at dasal para sa ina.

"My mama bear is a fighter!" sey pa ni Ashley.

The post Ashley Rivera nagpakatatag para sa inang may cancer: Don't take my sunshine away appeared first on Bandera.


Ashley Rivera nagpakatatag para sa inang may cancer: Don’t take my sunshine away Ashley Rivera nagpakatatag para sa inang may cancer: Don’t take my sunshine away Reviewed by pinoyako on April 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close