BREAKING NEWS

Villar may panukalang batas para sa pambansang youth environmental advocacy program

Villar may panukalang batas para sa pambansang youth environmental advocacy program
PHOTO: Facebook/Mark Villar

NAGHAIN si Sen. Mark Villar ng isang panukalang batas na naglalayong magtatag ng pambansang programa upang hikayatin ang mga kabataang Pilipino na manguna sa mga inisyatiba para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili ng kapaligiran sa gitna ng lumalalang banta ng climate change sa bansa.

Inihain noong February 23 ang Senate Bill No. 1882 na nagmumungkahi ng paglikha ng National Youth Environmental Advocacy and Sustainability Program (NYEASP), isang programang pinamumunuan ng pamahalaan na naglalayong aktibong isama ang mga kabataan sa mga gawain kaugnay ng climate action, environmental education, at mga proyektong pangkalikasan sa mga komunidad.

Kasalukuyang nakabinbin ang panukalang batas sa kaukulang komite ng Senado.

Sa paghahain ng panukala, binigyang-diin ni Villar ang matinding pagiging vulnerable ng Pilipinas sa epekto ng climate change at pagkasira ng kapaligiran, kabilang ang pagtaas ng lebel ng dagat, mas malalakas na bagyo, pagkawala ng biodiversity, at mabilis na pagkaubos ng likas na yaman na nagbabanta sa buhay at kabuhayan ng maraming Pilipino.

Baka Bet Mo: Villar inihain ang Vision Care for Kids Act: Gagawing abot-kamay para sa mga bata

"Ang ating mga kabataan ay hindi lamang kinabukasan ng bansa — sila rin ang mga ahente ng pagbabago sa kasalukuyan," sey ni Villar.

patuloy niya, "Sa pamamagitan ng programang ito, mabibigyan sila ng kaalaman, kasanayan, at mga plataporma upang manguna sa adbokasiya, magsulong ng pagkilos sa komunidad, at matiyak ang isang napapanatiling Pilipinas."

Layunin ng programang NYEASP na palawakin ang kamalayan ng mga kabataang Pilipino tungkol sa mahahalagang isyu sa klima, napapanatiling pamumuhay, at responsableng pangangasiwa ng likas na yaman.

Hihikayatin din nito ang mga kabataan na magsagawa ng mga advocacy campaign, magpatupad ng mga proyektong pangkonserbasyon sa lokal na komunidad, at makilahok sa mga talakayan sa paggawa ng mga polisiya para sa kapaligiran.

Sa ilalim ng panukala, bubuo ang programa ng mga module para sa environmental education at pagsasanay na nakatuon sa kabataan, at maglulunsad ng mga kampanya sa kamalayan at adbokasiya sa buong bansa sa pamamagitan ng digital, media, at mga community platform.

Magbibigay rin ang programa ng pondo at teknikal na suporta para sa mga proyektong pinangungunahan ng kabataan, kabilang ang tree-planting activities, waste reduction programs, biodiversity conservation efforts, at renewable energy initiatives.

Nakapaloob din sa panukalang batas ang paglikha ng mga youth environmental councils at mga forum na magsisilbing plataporma ng pakikipagtulungan ng mga kabataan sa pamahalaan, mga non-government organization, at pribadong sektor.

Isasagawa ang implementasyon ng programa sa pamamagitan ng koordinasyon ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang Department of Environment and Natural Resources, Department of Education, Commission on Higher Education at National Youth Commission.

Nakasaad din sa panukala ang pagtatatag ng mga mekanismo para sa monitoring at evaluation upang matiyak ang pangmatagalang epekto ng programa at patuloy na partisipasyon ng kabataan.

Nanawagan si Villar sa kanyang mga kapwa mambabatas, mga organisasyon ng kabataan, mga environmental advocate, mga guro, at sa publiko na suportahan ang panukalang batas, na aniya'y mahalagang pamumuhunan para sa kabataan at sa pangmatagalang kalusugan ng kapaligiran.

The post Villar may panukalang batas para sa pambansang youth environmental advocacy program appeared first on Bandera.


Villar may panukalang batas para sa pambansang youth environmental advocacy program Villar may panukalang batas para sa pambansang youth environmental advocacy program Reviewed by pinoyako on March 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close