Nikko Natividad umamin sa video scandal, sobrang nagsisi: Magbabago na ako!

Trigger Warning: Mentions of suicide
"HINDI ko kayang aminin sa wife ko kasi natatakot akong mawala siya, sabi ko na lang pagsisihan ko sa sarili ko at magbabago na ako," ito ang namutawi sa bibig ni Nikko Natividad sa panayam niya kay Ogie Diaz nitong March 6 sa YouTube channel.
Bago pa mapanood ang panayam ni Nikko kay Ogie ay nag-post na siya nitong March 5 ng gabi sa kanyang Facebook account na itim ang background at may nakalagay na, "I'm Sorry" na may praying hands at red heart emojis.
Kaya iisa ang tanong ng lahat, inamin na ba ni Nikko na totoo ang sex video scandal niya kasama ang tatlong aktor na sina Ron Angeles, Gil Cuerva, at Arron Villaflor?
Ang panayam ni Nikko kay Ogie ay payo raw mismo ng asawang si Cielo Mae Bautista Eusebio para linisin ang pangalan niya.
Baka Bet Mo: Misis ni Nikko Natividad sa video scandal: 'Pinipili naming ayusin'
Tuloy ni Nikko, "Pumuputok-putok (ang sex video) na last year at may nagme-message na sa akin na ibinebenta na raw sa telegram, sabi ko, 'wala na akong lusot darating ang time lalabas 'to. Sinusubukan ko lang i-delay kasi nga ayaw kong mahiwalay sa pamilya ko at ayaw kong masira pero alam ko lalabas at lalabas."
At dahil wala nang lusot si Nikko sa misis niya kaya umamin na siya dahil napanood na raw nito ang video at wala nang nagawa pa ang actor-dancer kundi mag-iyakan silang mag-asawa.
"Humingi ako ng tawad pero tumatakbo sa isip ko na, 'wala na, hiwalay na ito, sinira ko ang pamilya ko (basag ang boses) na alam ko namang mangyayari.
Sa panahong kapiling ni Nikko 'yung girl ay hindi siya nakusensya dahil ang takbo pa ng isipan niya ay, "Sana walang huli ito kasi nade-demonyo ka pa, eh. Unti-unti lalo nu'ng tumibay ang relasyon.
Nabanggit pa ni Nikko na nag-celebrate pa sila ng kanilang 12th year anniversary at kumain sila sa labas kasama ang mga anak.
"Tapos madaling araw marami nang nagta-tag sa akin, sobrang takot ko talaga, sabi ko Lord tanggalin n'yo sa akin lahat, spare n'yo lang ang family ko sabi ko, 'wag n'yo na ilabas magbabago na ako, sabi ko, alisin n'yo na kung anong mayroon ako ngayon, spare n'yo lang 'yung mag-ina ko,"
"Hindi ako nakatulog sabi ko sana hindi lumabas, kaso lumabas pa rin kaya kailangan kong harapin ang problemang ito kailangan kong pagdaanan ito.
"Marami akong realization ang daming tumatakbo sa utak ko tinititigan ko ang anak ko, sabi ko ito na ba ang huli nating pagkikita? Tulad nu'ng anniversary namin, natutulog kami nakayakap pa ako at panay ang (sabi ko) ng I love you kasi hindi niya alam pag nagpo-phone siya at tinitingnan ko sa isip ko na 'hayan na makikita na niya hanggang sa nakita nga niya at ginising niya ako, hayun iyak siya ng iyak at nagsisigaw siya wala na akong magawa," detalyadong kwento ni Nikko.
Sa tanong ni Ogie kung ano ang reaksyon ni Nikko habang nag-iiyak at sumisigaw ang asawa niya.
"Wala po, hindi ako makaiyak, iniisip ko wala na (hiwalay na), ini-expect ko namang lalabas 'yan sabi ko nga, dine-delay ko lang. Inisip ko baka naman lumabas after 10 years pa, after 15 years pa, at least matagal ko pang nakasama mga anak ko, pamilya ko.
"Kasi ang babae hindi kayang magpatawad kapag usapang nanloko ka na sabi ko kapag lumabas ito 100% hihiwalayan ako ng asawa ko kaya ide-delay ko hangga't maari para matagal na panahon ko silang makasama," kwento ni Nikko.
Hindi raw nakatikim ng sampal si Nikko mula sa asawa kundi umiyak ito ng umiyak ng walang tigil na umabot sa isang araw at hindi uminom ng tubig at nagkulong daw sa kuwarto na may mga dalang gamot na gustong inumin na.
"Takot na takot po ako kasi more than sa galit nakaramdam pa siya ng awa sa akin at doon ako nag-break down na kinausap pa niya 'yung mommy niya, 'paano si Nikko, paano na ang buhay niya, paano kami lalabas (nakakahiya sa sa tao).
"Nu'ng nakaramdam siya ng awa sa akin, galit na galit ako sa sarili ko, sinira ko siya, pamilya ko sinira ko naramdaman ko na napaka-walanghiya ko, sana galit na lang siya sa akin. Sana minura niya ako at hihiwalayan, hindi po siya umalis ng bahay. Tapos nag-usap kami sabi niya naawa siya sa akin, paano ako mag-uumpisa tapos hindi siya nagbitiw ng words na tapusin na natin ito, basta galit siya at naawa siya sa akin.
"Sabi ko nga 'wag kang maawa kasi deserved ko ito, yang mga comments na 'yan walanghiya ako, eh. Alam mo kung hihiwalayan mo ako ngayon hindi kita pipigilan isa lang ang hiling ko, 'wag kang bibigay kasi kapag may nangyari sa 'yo (emosyonal) hindi ko mapapatawad ang sarili ko, hindi ako mapapatawad ng mga anak natin, pero 'yang scandal na 'yan kaya akong patawarin ng mga anak natin kahit ma-bully sa school 'yan mapapatawad ako, pero kapag may nangyari sa iyo,"kwento pa ng aktor.
Nagplano raw ang asawa niyang kitilin ang buhay nito at naisip ni Nikko na unahan niya para raw hindi na nito ituloy pa, ganito na ang mga naiisip ng aktor sa mga araw na nagdaan.
At ngayong napatawad na si Nikko ng asawa niya ay nakakatulog na raw siya ng ilang gabi na at wala na siyang dalahin sa dibdib niya at nakaramdam siya ng saya ngayon dahil napatawad na siya ng ina ng mga anak.
"Kaya rin po ako nagpa-interview kasi nakakatangap siya ng message na, 'kaya mo tinitiis asawa mo kasi siya ang bumubuhay sa'yo, hindi po. Kaya niya ako pinatawad kasi mahal daw niya ako at hindi ko iyon sasayangin.
"Sabi lang niya sa akin na 'wag akong mag-expect na okay na siya bukas, isang buwan, isang taon, trabahuin ko raw na maging okay na siya. Sabi ko 'oo hindi ako mapapagod, tratrabahuin ko talaga," kwento pa ni Nikko.
Isa pang masakit ay nalaman na raw ng anak niyang 10 years old at tinext siya kasi hindi siya kayang kausapin dahil galit din, hindi namin sinabing video alam niya cheating kasi nagtataka siya bakit nagkakagulo sa bahay, may nababasag na gamit, sabi niya, "Dad walang ginawang masama sa iyo si mommy bakit mo nagawa 'yun? Lagi kitang ipinagtatanggol kasi minsan mali si mommy, pero ngayon hindi kita maipagtatanggol kasi mali ka. Dad I love you, God will forgive you (tuluyan ng napaiyak si Nikko)."
Ang tanging pakiuasap ni Nikko sa asawa kapag naghiwalay sila ay huwag silang aalis ng bahay at hayaan niyang buhayin sila ni Nikko, nasambit pa raw nito sa anak na dadalawin sila lagi.
The post Nikko Natividad umamin sa video scandal, sobrang nagsisi: Magbabago na ako! appeared first on Bandera.

No comments: