BREAKING NEWS

Vice Ganda nagpatutsada kay Bong Suntay: Pinag-iinit mo ‘yung ulo ko

Vice Ganda nagpatutsada kay Bong Suntay: Pinag-iinit mo 'yung ulo ko

NAGPASARING ang Unkabogable Star na si Vice Ganda laban kay Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay kaugnay sa viral "nag-init" statement nito sa kanyang kasamahan at malapit na kaibigan na si Anne Curtis.

Nitong Biyernes, March 6, muling nagbabalik ang komedyante sa "It's Showtime" at sa segment nga ng "Laro Laro Pick" ay nagkuwento siya tungkol sa recent trip.

Nagpunta kasi si Vice sa Japan para magbakasyon at isa sa kanyang binisita ay ang trending na unggoy na si Punch.

"Ano pang gusto niyong sabihin ko? May hinihintay kayong sabihin ko. Hindi ko ibibigay," saad ng komedyante matapos ang pagkukuwento sa kanyang adventures sa Japan.

Baka Bet Mo: Vice Ganda proud sisteraka sa pambabarag ni Anne Curtis sa basher

"Alam ko inaabangan niyo tapos ida-divert niyo sa akin ang attention para mawala sa inyo — no! Hindi ko igi-give," sabi pa ni Vice.

Kasama ang kanyang co-hosts na sina Jhong Hilario at Vhong Navarro in-interview nila ang isa contestant na si Jayz.

Habang kinakausap ang contestant ay napansin ni Vice na inaayos nito ang kanyang underwear.

Agad ngang hinawakan ng komeyante ang kanyang damit upang pigilan ito na makita on air ang underwear nito.

"Pinag-iinit mo 'yung ulo ko. Napunta sa'yo 'yung inis ko kay Bong Suntay," sey ni Vice sa contestant.

Dagdag pa niya, "'Wag mo nang ipakita, baka ma-imagine ka pa niya."

Chika pa ni Vice, hindi naman daw ito hihingi ng sorry kung nagkataon.

Matatandaang nag-trending si Suntay matapos ang kanyang "nag-init" statement matapos umanong makita ito ng personal at hindi niya naiwasang "mag-imagine".

Matapos ito ay iginiit niyang walang malisya sa kanyang sinabi at kalauna'y humingi ng tawad sa mga na-offend sa kanyang pahayag.

Bukod kay Vice, marami rin sa mga celebrities ang nagsalita at pinalagan ang mga pahayag ng kongresista.

Kabilang na rito ang kapatid ni Anne na si Jasmin Curtis, Nadine Lustre, Karen Davila, Gabbi Garcia, Bianca Gonzalez, at marami pang iba.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na komento si Anne tungkol sa isyu.

Kamakailan lamang ay bumalik siya sa Pilipinas matapos ma-stranded kasama ang kanyang pamilya sa United Arab Emirates dahil sa nagpapatuloy na tensyon at sigalot sa rehiyon.

The post Vice Ganda nagpatutsada kay Bong Suntay: Pinag-iinit mo 'yung ulo ko appeared first on Bandera.


Vice Ganda nagpatutsada kay Bong Suntay: Pinag-iinit mo ‘yung ulo ko Vice Ganda nagpatutsada kay Bong Suntay: Pinag-iinit mo ‘yung ulo ko Reviewed by pinoyako on March 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close