‘Sigabo’ mapapanood na sa March 16; Liza Dino dedma sa mga maninira

PATOK sa fans ang unang pasilip na behind the scenes ng bagong awrahan nina Coco Martin at Julia Montes para sa inaabangan nilang Kapamilya primetime teleseryeng "Sigabo," na mapapanood na ngayong Marso 16 (Lunes).
Umani ng positibong reaksyon mula sa netizens ang "first look" ng pictorial tampok ang astig na pormahan ng CocoJul na parehong nakasuot ng leather jacket, may hawak na mga baril, at abot langit ang mga ngiti. Ginulat din ng aktor ang fans sa kanyang bagong look na naka-long hair, habang palaban din si Julia na nakasakay ng sports car.
Sa ginanap na story conference ng serye, ibinahagi ni Coco na excited na siyang maghandog ng panibagong kwento na tiyak na ikatutuwa ng pamilyang Pilipino. Iba't ibang misyon ang mapapanood kada linggo na may halong aksyon, comedy, at romance kasama ang star-studded na cast.
"Pinaghandaan ko dito 'yung creative. Sinigurado namin na iba at bago 'yung kwento. Para bago naman 'yung maihahain natin sa mga manonood. Sa 'Batang Quiapo,' pinalibutan ko talaga 'yan ng dramatic and veteran actors. Ngayon ibang kombinasyon naman. Gusto ko papalibutan ko dito 'yung mga comedian na actor," sabi ng Primetime King.
Baka Bet Mo: Coco, Julia magbabalik tambalan sa 'Sigabo'; kailan kaya ang palitan ng 'I do'?
Ipinagmamalaki naman ni Julia ang "bago nilang palabas "Sigabo" lalo na't si Coco mismo ang nagbuo ng orihinal na konsepto ng serye.
"I'm proud to be part of the show. Excited ako and looking forward sa mangyayaring journey ng bawat isa dito sa show," aniya.
Pagpapatuloy pa ng aktres, "Very proud ako kay Coco kasi this time, ito talaga ang dream ko for him. Original na 'yung story niya na maaangkin niyang kanya talaga."
Sabay-sabay tutukan ang "Sigabo" simula Marso 16 (Lunes) ng 8 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, iWant, at Kapamilya Online Live. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
***
May naninira kay dating FDCP Chairwoman Liza Dino na ikinakalat na hindi na siya kunektado Quezon City Film Commission.
May naringgan pa kami na hindi raw nito ginagawa ang trabaho niya dahil puro pagpo-produce raw ng show ang tinututukan niya.
Hmm, dahil kaya successful at maraming magagandang feedback sa katatapos na concert ni Ice Seguerra na "Being Ice Live!" sa New Frontier Theater noong Pebrero 27?
Anyway, may pinost si Ms Liza sa kanyang Facebook account para linawin ang isyung siya pa rin ang Executive Director ng Quezon City Film Commission.
Aniya, "I've been informed that some misinformation has been circulating regarding my position.
"For clarity, I remain Executive Director of the Quezon City Film Commission and continue to fulfill our ongoing commitments and collaborations.
"Any official developments, should there be any in the future, will be communicated formally and directly. The work continues."
Naringgan naman namin ng komento ang nakabasa ng post ni Ms Liza, "Baklang kanal kasi, kung anu-anong ginagawang kuwento."
Hindi naman binanggit ng taong naringgan namin kung sino ang tukoy niya, kaya nag-message kami kay Ms Liza kung may ideya siya kung sino ang nagpapakalat ng isyung ito pero hindi kami sinagot, seenzone lang.
The post 'Sigabo' mapapanood na sa March 16; Liza Dino dedma sa mga maninira appeared first on Bandera.

No comments: