#SerbisyoBandera: Shincheonji Volunteers nagpakain, naglinis sa Pasig at Cebu

MAS pinapalawak ng Shincheonji Volunteers ang kanilang community outreach sa iba't ibang lugar sa bansa!
Sa Barangay Nagpayong, Pinagbuhatan sa Pasig City, nagsagawa ang grupo ng "Kain Na! Tara Na! Community Pantry and Feeding Program," kung saan halos 100 participants ang nagtipon, kabilang ang 78 beneficiaries na mga bata at matanda, at 29 volunteers.
Sa aktibidad, nakatanggap ang mga pamilya ng sariwang gulay at mga lutong bahay na mula sa mga volunteer.
Samantala, ang mga bata naman ay nag-enjoy sa mga interactive games na nagbigay-buhay at saya sa buong komunidad.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Mga batang may cancer binigyang pag-asa ng 'Reel Hope'
Ayon kay Ma. Cristina Corpuz, secretary ng Patok-Kenneth Neighborhood Association Inc., na katuwang ng Shincheonji Volunteers sa proyekto, ang outreach ay nagbibigay ng tunay na tulong sa mga pamilya sa komunidad at nagpapalakas ng pagkakaisa ng mga residente.
Plano ng Shincheonji Volunteers – Manila, kasama ang Barangay Pinagbuhatan, na dalhin pa ang ganitong programa sa iba pang bahagi ng barangay para makatulong sa mas maraming pamilya.
Samantala, sa Cebu, isinagawa naman ng grupo ang isang clean-up drive sa Lapu-Lapu City, kung saan nilinis nila ang isang malaking lugar na puno ng basura, plastic at iba pang debris na panganib sa kalusugan at kalikasan.
Ginawa ito katuwang ang Barangay Gun-ob Waste Management, na nagpakita kung paano ang volunteer-driven initiatives ay kayang gawing mas malinis at ligtas ang mga komunidad.
Sa kanilang mga outreach efforts, layunin ng grupo na ipakita ang prinsipyo sa Bibliya sa Matthew 5:16: "Encouraging acts of service to shine before others and inspiring communities to recognize good works and honor God."
Ang Shincheonji Volunteers ay isang global volunteer organization na kaakibat ng Shincheonji Church of Jesus, na nagbibigay serbisyo sa komunidad sa pamamagitan ng blood donation drives, disaster response, educational programs, at environmental clean-up campaigns.
Para sa updates sa kanilang susunod na aktibidad, bisitahin ang Shincheonji Volunteers PH Facebook page sa fb.com/shincheonjivolunteersph.
The post #SerbisyoBandera: Shincheonji Volunteers nagpakain, naglinis sa Pasig at Cebu appeared first on Bandera.

No comments: