Britney Spears naaresto dahil nagmaneho habang lasing

HINULI ng mga pulis ang international pop superstar na si Britney Spears dahil sa umano'y pagmamaneho habang lasing malapit sa Los Angeles.
Ayon sa mga ulat mula sa US media at legal na dokumento, naaresto ang 44-anyos na singer kamakailan lang at dinala sa Ventura County Sheriff's Department dahil sa suspisyon ng DUI o Driving Under the Influence.
Ipinakita sa police records na na-release naman agad si Britney, ngunit siya ay nakatakdang humarap sa korte sa May 4.
"This was an unfortunate incident that is completely inexcusable. Britney is going to take the right steps and comply with the law," pahayag ng kanyang representative sa entertainment outlet na Deadline.
Baka Bet Mo: Jellie Aw nag-feeling Britney Spears: 'Hit me baby one more time!'
Ani pa, "Hopefully, this can be the first step in long overdue change that needs to occur in Britney's life."
Kilala si Britney sa kanyang phenomenal na tagumpay sa musika noong late 1990s sa mga hit songs gaya ng "…Baby One More Time."
Sa kanyang 2023 memoir na "The Woman in Me", iginiit ng pop star na hindi siya umiinom ng droga at walang problema sa pag-inom ng alak, ngunit inamin niyang umiinom siya ng Adderall na gamot para sa ADHD.
Matapos ang isang public breakdown noong 2007, napasailalim si Britney sa conservatorship ng kanyang ama na si Jamie Spears, na kumokontrol sa kanyang pera at personal na buhay, kahit patuloy siyang nagpe-perform sa high-profile concerts.
Natapos ang conservatorship noong 2021 sa utos ng korte sa Los Angeles, bunga ng malakas na suporta ng publiko sa kilusang "Free Britney."
The post Britney Spears naaresto dahil nagmaneho habang lasing appeared first on Bandera.

No comments: