Sofia Trazona sa pagsawsaw ni Alvin sa isyu ni Suntay: Ang dumi mag-isip

BINOLDYAK din ng drag queen na si Sofia Trazona ang kanyang stepfather na si Alvin Aragon dahil sa pahayag nito sa isyu ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay.
Kaliwa't kanang batikos muli ang natikman ni Alvin dahil sa kanyang post tungkol sa pambabastos ni Suntay kay Anne Curtis sa hearing ng Kongreso sa impeachment complaints kay Vice President Sara Duterte.
Ginamit ng kongresista ang aktres sa pagpapaliwanag kung bakit nasabi ni VP Sara na isa siyang "designated survivor" bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos noong July 22, 2024.
"Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang 'yon," ang pahayag ni Suntay.
Bugbog-sarado ang mambabatas mula sa madlang pipol matapos ang kanyang statement, kabilang na riyan ang ilang mga celebrities na nagtanggol kay Anne.
Kasunod nito, nag-sorry nga si Suntay pero nanindigan siyang walang imoral sa kanyang mga sinabi.
"There's nothing sexual dun sa sinabi ko. Nothing immoral. I said may na-imagine ako. I think there's nothing wrong. There's nothing even sexual sa statement na 'yon.
"Sabi ko, 'Ang ganda-ganda niya.' And I think she should take it as a compliment that I feel and I believe that she's very beautiful," aniya pa.
Isa sa mga personalidad na nag-react sa isyu ay si Alvin Aragon at muling iginiit ang mga pinaniniwalaan niya tungkol sa relihiyon at pananampalataya.
"Kahit hindi si Anne ang tinitignan mo ng may pagnanasa may mag iinit sa loob mo, Lalo na kapag nakalabas pa ang cleavage mo at legs.
"Kaya Filipino men protect your wife may 'Sin of lust' kasi. and Filipino women dress modestly to avoid sexual desire. 'Kasi nga may Sin of lust.'
"Alam nyo mahirap talaga yan iwasan si Jesus lang ang makakatulong sayo ma overcome yan."
"Jesus said, '…if your eye causes you to sin, gouge it out and throw it away. It's better to enter eternal life with only one eye than to have two eyes and be thrown into the fire of hell,'" sabi ni Alvin Aragon.
Ni-repost naman ng stepdaughter niyang si Sofia Trazona ang isang ulat hinggilsa post ni Alvin kalakip ang pambebengga niya sa asawa ng kanyang inang si Izzy Trazona, dating member ng SexBomb Girls.
"Ang dumi mag isip ah walang respeto sa babae," ang hirit ni Sofia sa post ni Alvin.
Isang reel pa ang ibinahagi niya sa Facebook kung saan mapapanood siyang sumasayaw, na may caption na, "Crop top tayo dedma sa madumi mag isip."
The post Sofia Trazona sa pagsawsaw ni Alvin sa isyu ni Suntay: Ang dumi mag-isip appeared first on Bandera.

No comments: