BREAKING NEWS

Jasmine Curtis nagsisi sa pambebengga sa 2 veteran journalist

Jasmine Curtis nagsisi sa pambebengga sa 2 veteran journalist
Jasmine Curtis, Ed Lingao at Anne Curtis

PINAGSISISIHAN ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith na binengga niya ang dalawang broadcast journalist dahil sa galit niya kay Quezon City 4th district Rep. Bong Suntay.

Hindi direktang nag-sorry si Jasmine sa mga beteranong mamamahayag na sina Manny Mogato at Ed Lingao ng Kapatid Network pero bigla nga siyang kumambyo sa nauna niyang pahayag. 

Kung matatandaan, ni-repost ng aktres sa social media kamakailan ang isang video kung saan iniinterbyu nina Mogato at Lingao si Suntay patungkol sa pambabastos umano nito sa kapatid niyang si Anne Curtis.

"BAKIT TUMATAWA UNG MGA LALAKING HOSTS SA PAGTATANONG NILA?????? WALA KAYONG INIBA KAY BONG SUNTAY," ang paninita ni Jasmine sa kanyang X post last March 3. 

Maraming nagtanggol sa dalawang mamamahayag dahil ang paniniwala nila, ang pagtawa ng mga ito sa panayam ay bilang pang-asar kay Suntay dahil hindi sila kumbinsido sa pagtatanggol nito sa sarili.

Nag-post din si Lingao sa social media nang mabasa ang hirit ni Jasmine sa kanila ni Mogato. Ani Lingao, "Yung iba namang nagkokomento na takot daw kami at bahag ang buntot kaya kami natatawa – I seriously don't think we have the same threshold for fear."

Kasunod nito, nag-post nga uli si Jasmine sa kanyang X account at dito niya inamin na pinagsisisihan niya ang ginawang paghahalintulad kina Mogato at Lingao kay Suntay. 

Sabi ng dalaga, naging OA daw ang kanyang pahayag at dala lamang daw iyon ng "frustration." 

"I regret likening the hosts to Bong Suntay, that was too strong and said in frustration," pag-amin ni Jasmine.

Pero aniya, maninindigan pa rin siya na walang lugar ang pagtawa sa mga isyu ng kababaihan lalo na ang pambabastos at kawalang respeto ng ibang tao.

"I still stand by the point that laughter has no place in a discussion about remarks that diminish women. 

"This is a long-standing issue that generations of women have had to confront, and it deserves to be treated with seriousness. 

"I hope the conversation continues to focus on the remark itself and why comments that disrespect women should be called out clearly," ang pahayag ni Jasmine. 

The post Jasmine Curtis nagsisi sa pambebengga sa 2 veteran journalist appeared first on Bandera.


Jasmine Curtis nagsisi sa pambebengga sa 2 veteran journalist Jasmine Curtis nagsisi sa pambebengga sa 2 veteran journalist Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close