Mercedes Cabral sa pambabastos ni Suntay kay Anne: OMG! It’s disgusting!

NAGALIT din ang aktres na si Mercedes Cabral sa pambabastos ni Quezon City 4th district Rep. Bong Suntay kay Anne Curtis.
"Oh, my God! It's disgusting! It's embarrassing! I feel for the wife and daughters, I feel bad kasi hindi ko alam, eh.
"I know it's family first pero how will you defend someone na ganyang magsalita?" ang reaksyon ng premyadong aktres sa public apology ni Ginang Shiela Guevarra-Suntay kay Anne sa ginawa ng asawang si Cong. Suntay.
Matatandaang nagpakawala ng mainit na komento ang kongresista tungkol kay Anne habang isinasagawa ang committee hearing para sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa asawa ng kongresista ay hindi nito inaayunan ang komento ni Suntay at nakiusap na ihiwalay siya kasama ang mga anak sa pagbatikos kay Ginoong Suntay.
Tuloy ni Chedeng (tawag kay Mercedes), "May mali kahit saan mo tingnan kahit i-defend 'yung sarili niya na in-explain niya na ganito na wala namang aksyon it's just a comment.
"That's the thing, eh, may mga lalaking naniniwala throwing comments like that is fine, it's wrong! You don't have the right to tell that to women.
"I just find it a phallic, it's disgusting, it's embarrassing that's it!" aniya.
At dahil sa mga pangyayaring ito ay may mga nabasa kaming komento ng netizens na sa mga nakatira raw sa Distrito 4 ng Lungsod Quezon ay pag-isipang mabuti bago sila bumoto.
Taga-Visayas Avenue sa Quezon City si Mercedes at base sa pag-tsek namin ay kabilang ito sa Distrito 4 na nasasakupan ni Cong. Suntay.
"Hindi ko rin kasalanan kung doon ako nakatira, kaya be smart kung sinuman 'yung iboboto ninyo, I hope, oh my God, I hope!" natawang reaksyon ng aktres.
Kinumusta naman namin ang lovelife ni Mercedes.
"I'm happy, I've been with this guy for threw years now, visual artist din siya and I guess kaya kami sobrang magkasundo and hindi toxic. Ganito pala ang feeling ng hindi toxic ang relationship. Ha-hahahaha!" masayang sabi ni Chedeng.
Dagdag pa, "I can say na ngayon ang relationship ko ay very healthy hindi immature kaya I'm happy."
Eksklusibo naming nakausap si Mercedes sa mini-presscon ng pelikulang "Ang Bangkay" na isinulat, idinirek at ipinrodyus ni Atty. Vince Tañada.
Kalahok ito sa Sinag Maynila 2026 na mapapanood simula sa Marso 23 hanggang 29 sa Gateway Cineplex Cubao), Eastwood Cinemas (Libis), Uptown Cinemas (BGC), Venice Cineplex (McKinley Hill), at Lucky China Town Cinemas (Binondo).
Bukod kay Mercedes ay kasama rin sa pelilkulang "Ang Bangkay" sina Johnrey Rivas, Vean Olmedo, Lili Montelibano at Vince with supporting cast Juan Calma, JP Lopez, OJ Arci at Sarah Javier.
The post Mercedes Cabral sa pambabastos ni Suntay kay Anne: OMG! It's disgusting! appeared first on Bandera.

No comments: