Kathryn Bernardo, Mark Alcala magkasama uli, lantaran na ba ang relasyon?

MULI na namang naging sentro ng usapan online ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan kasama niya si Lucena City Mayor Mark Alcala.
Base sa maikling video clip mula sa TikTok, makikita ang aktres na malapit sa elevator habang ang alkalde naman ay nagpaunlak sa isang faney na magpa-picture.
Mayroon ring parte na makikita sina Kathryn at Mark na naglalakad at may hawak na ice cream sa loob ng isang shopping mall.
Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted nagde-date sa mall?
Ang naturang video nina Kathryn at Mark ay mabilis na kumalat sa social media at umani ng samu't-saring komento mula sa netizens.
May mga naglabas ng mga haka-haka na tila hindi na nagtatago ang dalawa sa kung anuman ang meron sila at mas lantad na sa publiko ang kanilang mga kilos at pagsasama.
Marami rin sa mga KathNiel fans ang tila sumuko na sa kanilang pag-asa na mayroon pang chance na magkabalikan sina Kathryn at Daniel Padilla na naging magdyowa nang mahigit isang dekada lalo na't lumalabas na masaya na sila sa panibagong yugto ng kanilang mga buhay.
Sa ngayon ay masaya na rin kasi ito sa piling ng kapwa Kapamilya star na si Kaila Estrada.
Samantala, sa kabila ng muling pag-ingay ng usapin, nananatiling tahimik si Kathryn tungkol sa kumakalat na video.
Hindi rin nagbibigay ng anumang pahayag si Mayor Mark Alcala habang patuloy na kumakalat ang clip online.
The post Kathryn Bernardo, Mark Alcala magkasama uli, lantaran na ba ang relasyon? appeared first on Bandera.

No comments: