Gil Cuerva nagsalita na, leaked video scandal kinunan nang walang consent

NAGSALITA na ang aktor na si Gil Cuerva kaugnay sa kinakaharap na isyu hinggil sa leaked video scandal na kumalat sa social media kamakailan.
Nitong Huwebes, March 5, sa kanyang Instagram page, ibinahagi niya sa kanyang reels ang kanyang opisyal na pahayag hinggil sa isyu.
"Hey everyone. I just want to briefly address the issue that had circulated online over the past few days. This will be the only time I speak about it, and I will not be commenting any further after this," panimula ni Gil.
Ayon sa kanya, ang naturang video na kumakalat at ibinibenta ngayon online ay ni-record ng walang pahintulot mula sa kanya.
Baka Bet Mo: Gil Cuerva dedma pa rin sa 'sex video', Lexi nakipagbardagulan sa bashers
"The video being shared online was recorded without my knowledge or consent during a private moment," pagpapatuloy ni Gil.
Aniya, ang paggamit ng hidden camera at ang pagbabahagi niyo sa iba ay paglabag sa kanyang privacy at maituturing na isang mabigat na krimen.
Sa kabila ng pinagdaraanan, nagpaabot ng pasasalamat si Gil sa kanyang pamilya at mga kaibigan na nagpakita ng suporta at nagtanggol sa kanya sa naturang isyu.
"Thank you to my friends and family who reached out with support during this time, and thank you to those who spoke up to defend my name," lahad ng aktor.
Tiniyak naman ni Gil na maayos siya at patuloy pa rin ang buhay sa kabila ng mga pangyayari.
"That's all that really needs to be said. I'm okay, I'm fine, and life goes on," sey ng aktor.
Kapansin-pansin rin ang tweet ni Gil na ";" o semicolon na simbolo ng pagpapatuloy ng isang tao sa kanyang buhay sa kabila ng pinagdaraanang hirap sa mental health.
Matatandaang bago pa ang pahayag ng aktor, nauna nang dumipensa ang kanyang ex-girlfriend na si Lexi Gonzales sa mga bashers.
"Disgusting how some people are like flies who flock on other people's dirty laundry. You guys are absolute scum of the Earth.
"Spreading false information and manipulated content of someone is punishable by law. Kadiri kayo. Repulsive. You wouldn't know what that means kasi nothing disgusts you," banat ni Lexi.
The post Gil Cuerva nagsalita na, leaked video scandal kinunan nang walang consent appeared first on Bandera.

No comments: