Gigi de Lana sinadya nga ba ang mahimatay sa Samal Island gig?

TOTOO bang sinadya ng singer na si Gigi de Lana ang kanyang pagkakahimatay sa kanyang recent gig sa Samal Island, Davao?
Isa kasi ang dalaga sa mga naging hot topic sa "Ogie Diaz Showbiz Update" kung saan may umabot sa kanilang chika na disappointed ang promoter sa dalaga dahil sa maraming bagay.
"Itong kay Gigi de Lana kung matatandaan natin ibinalita natin dito na nahimatay siya sa isang show sa Samal. Naisugod siya sa ospital. Nahimatay siya noong pababa ng stage," panimula ni Ogie.
Mayroon raw nakarating sa kanila na nagdadrama lang raw ang singer at tila intensyunal ang ginawa para hindi makadalo sa courtesy call sa mayor.
Baka Bet Mo: Gigi de Lana biglang nahimatay pagkatapos ng concert sa Samal Island
Bukod pa rito, ang dami raw ng entourage na kasama ni Gigi at umabot pa sa 18.
Wala pa raw one hour nang isalang ang singer nang mahimatay ito ngunit wala raw magawa ang promoter dahil emergency ang sitwasyon ngunit marami ang nagtatanong kung scripted lang ang pagkahimatay nito dahil nakaabang na agad ang kanyang team at tila walang pagpa-panic nang mawalan ng malay ang dalaga.
Nagtataka rin daw ang promoter kung bakit sa service van dinala si Gigi at hindi sa ambulansya. Bukod pa rito, nang maka-recover ang dalaga ay bumalik na ito sa hotel nang naka-wheel chair.
"Alam mo sa totoo lang, mahirap itong ganito dahil wala naman tayo doon. Tayo'y bumabasa lang ng ipinaparating sa atin.
"Kung totoo man na hindi na nagulat yung mga band members ni Gigi sa kanyang pagkahimatay eh syempre kestiyonable para sa atin 'yun kung bakit hindi nagulat.
"Kahit naman ako nagtataka kung bakit sa service van dinala at hindi sa ambulansya. Dapat kapag ganoong mga emergency cases sa ambulansya," lahad ni Ogie.
Binibigyan pa rin naman ng benefit of the doubt ang comedian-vlogger si Gigi dahil nasabi na rin nito na mayroon siyang kondisyon.
Kaya naman bet nilang mag-reach out sa dalaga pati na rin sa mabagemwbt nito kung ano ang tunay na ganap ng singer.
"Mahirap rin namang ma-judge si Gigi at hindi rin namang magandang gagawin nating lokohan ang pagtumba tumba dahil nahimatay," sabi pa ni Ogie.
Samantala, wala pa namang pahayag ang singer hinggil sa naturang isyu.
Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ni Gigi hinggil sa isyu.
The post Gigi de Lana sinadya nga ba ang mahimatay sa Samal Island gig? appeared first on Bandera.

No comments: