Ferdie Topacio pinansin pagsusuot ng bikini ni Jasmine Curtis: Puro plastic

NAGPASARING si Atty. Ferdie Topacio sa aktres na si Jasmine Curtis kaugnay sa naging reaksyon nito sa pahayag ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay tungkol sa nakatatandang kapatid na si Anne Curtis.
Nitong Huwebes, March 5, sa kanyang programa sa DWIZ News na "Yes… Yes… Yo! Topacio" kinuwestiyon nito ang aktres tungkol sa naging reaksyon nito sa sinabi ni Suntay.
"'Yong kapatid, bumanat pa. Si Jasmine Curtis na parang binabastos daw 'yong kapatid niya, hindi raw tama," panimula ni Topacio.
Kasunod. Ito ang pag-usisa niya sa pagpo-post ng dalaga pati na rin ng ibang artista ng bikini photos sa social media.
Baka Bet Mo: Misis ni Bong Suntay kumampi, nag-sorry kay Anne Curtis: 'I stand with you!'
"Kayong mga artista, mga ganyan. Ikaw, Jasmine, bakit ka nagpo-post ng bikini pictures mo sa social media, sa mga pahayagan? Hindi ba para ikaw ay pagnasahan? Para ikaw ay sumikat?" hirit ni Topacio.
Pagpapatuloy niya, "Huwag mong sabihing art 'yon! Huwag mo sabihing ini-endorsro mo 'yong brand ng bikini o 'yong resort. Hindi kami mga ungas dito para maniwala sa 'yo."
Dinamay pa nga ni Topacio ang isaxsa mga kilalang sexy actress na si Ivana Alawi.
"'Yong mga artista diyan, sina Ivana Alawi, bakit sila nagpo-post, 'di ba para [sa] views? Bakit sila tinitingnan? Magandang babae, sexy, pinagnanasahan ng mga lalaki. Straight talk.
"Puro tayo plastikan dito, e. 'Yan ang hirap sa mga Pilipino, puro plastic, e," hirit pa ni Topacio.
Aniya, kasama na raw ang maging "attractive" sa mga artists at bahagi nito ang pagpo-post ng sexy photos online or in public.
"Hindi ba dapat kaya gusto n'yo, nagpo-post kayo ng bikini, nagpapaganda kayo, sexy, etc., mga role n'yo sexy, hindi 'di ba para maging attractive kayo? Huwag kayo naggagaganiyan. Ano 'yon, type n'yo lang?" sey pa ni Topacio.
Bago ang kayang mga pahayag laban kay Jasmine, nauna nang ipagtanggol ng abogado ang kongresista sa kayang viral "nag-init" statement tungkol sa "It's Showtime" host.
"Yong iniisip mo, hindi criminal offense. Kahit anong sama ng iniisip mo, may nakita kang babae na gusto mong gahasain, gusto mong halayin, gusto mong daklutin (ano na, harapan na), hindi kasalanan 'yon!" depensa ni Topacio kay Suntay.
The post Ferdie Topacio pinansin pagsusuot ng bikini ni Jasmine Curtis: Puro plastic appeared first on Bandera.

No comments: