BREAKING NEWS

Lampara Books naglunsad ng mga aklat kontra reading crisis ng kabataang Pinoy

Lampara Books naglunsad ng mga aklat kontra reading crisis ng kabataang Pinoy
PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

NAGLABAS ng bagong hanay ng mga aklat at learning materials ang Lampara Books bilang tugon sa lumalalang problema sa pagbabasa at numeracy ng mga batang Pilipino.

Sa inilunsad na firs -quarter 2026 collection ng publishing company, tampok ang iba't ibang aklat at learning kits na layong tulungan ang mga batang matutong magbasa nang mas mabilis at mas maunawaan ang kanilang binabasa, pati na rin ang pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa math.

Ayon sa presidente ng Lampara Books na si Segundo Matias Jr., hindi na dapat ipagwalang-bahala ang lumalalang literacy crisis sa bansa.

"The crisis is deeply concerning—tragic, even," sey niya sa naganap na Media Launch kung saan present din ang BANDERA.

Wika pa niya, "The future of our nation is at stake. Our children represent the future: the leaders, the innovators, the ones who will shape the world."

Baka Bet Mo: 'Stigma: Batang Poz 2' bagong libro para basagin ang stigma sa kabataang may HIV

Siyempre, eksklusibo rin namin siyang nakapanayam at ipinaliwanag ni Matias kung bakit naiiba ang kanilang decodable books kumpara sa karaniwang reading materials na ginagamit sa mga paaralan.

"'Yung ibang karaniwang supplementary materials are literary-based – narrative, kwento. Mas isinaalang-alang 'yung pagkukwento sa mga bata. Ang decodable texts, 'yung science of reading na sinasabi nating phonetics, 'yung tunog, isa sa mga method na kailangan gamitin para madaling matuto ang bata," pahayag niya.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid0uWHeF5J2mMkZw79DfLLHiUV7ZopMAtmL4pYpnavEHqaLtWQBWbdGSYSYHbkjequBl&show_text=true&width=500" width="500" height="729" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Ayon sa kanya, nakatutulong ang ganitong paraan para mas mabilis at maayos na matutong magbasa ang mga bata.

Sinabi rin ni Matias na isa rin sa nakikitang dahilan kung bakit maraming batang nahihirapang magbasa ay ang labis na exposure sa digital devices, lalo na sa murang edad.

"Actually, mayroon ding contribution ang digital para sa akin na hindi naging maganda para sa K-3. Ang K-3 kasi ay 'yung basic. Kung sa K-3 pa lamang, hindi mo siya binigyan ng tamang materyales… may kakulangan ka na," paliwanag niya.

Iginiit din niya na napakahalaga ang unang taon ng pagkatuto dahil dito nabubuo ang pundasyon ng bata sa pagbabasa at numeracy.

Para kay Matias, mahalagang kumilos ang mga publisher at education experts upang matulungan ang bansa na makahabol sa literacy gap.

"Nandito na kami. Sino pa bang lalapitan ng gobyerno o ng mga Pilipino kung hindi kagaya namin mga publisher kasi sanay na kami sa paggawa ng libro," sambit niya sa amin.

Dagdag pa niya, malaki ang problemang kinahaharap ng bansa dahil may mga batang marunong magbasa ngunit hindi naman naiintindihan ang kanilang binabasa.

"May tinatawag silang functional reading or comprehension ay mababa. Parang they can read Spanish but they cannot understand it," lahad ng presidente ng nasabing publishing company.

Kabilang sa inilunsad ng Lampara Books ang iba't ibang serye ng aklat na ginawa kasama ang mga kilalang writers at reading specialists tulad nina Victor Villanueva, Daisy Jane Calado, Eugene Y. Evasco, at Genaro R. Gojo Cruz.

Kabilang sa mga tampok na learning materials ang Magbasa Tayo! / Let's Read! Series, K–3 Reading Packages, Start Right Reading Series (STARS), Unang Aklat sa Panimulang Pagbasa, Math-Talas! Numeracy Learning Kit, Kids Have Rights!, Disaster-Ready Kids, Digital Pinoy Kids Series, Science Storybooks, at iba pa.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F1463244862109083%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

Mayroon ding mga bagong inilabas na decodable comics, literacy cards, board books, at storybooks na nakaangkla sa kulturang Pilipino at may bilingual approach sa Filipino at English.

Ang paalala ni Matias sa mga magulang tungkol sa kahalagahan ng pagbabasa sa murang edad.

"Find time really to read for your child, lalo na kung nagsisimula pa lang ang bata. Bumili sila ng books, hindi lang puro toys," saad niya sa aming interview.

Malaki raw ang naitutulong ng pagbabasa hindi lamang sa pag-aaral, kundi pati sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

"Because reading is very important. And findings say that kapag mahilig magbasa ang isang tao, madaling maka-solve ng problema sa buhay. Reading helps a lot," aniya.

Sa pamamagitan ng mga bagong aklat at learning materials, umaasa ang Lampara Books na mas maraming batang Pinoy ang matutong magbasa nang maayos at sa kalaunan ay gamitin ito upang matuto, mangarap, at makabuo ng mas maliwanag na kinabukasan.

The post Lampara Books naglunsad ng mga aklat kontra reading crisis ng kabataang Pinoy appeared first on Bandera.


Lampara Books naglunsad ng mga aklat kontra reading crisis ng kabataang Pinoy Lampara Books naglunsad ng mga aklat kontra reading crisis ng kabataang Pinoy Reviewed by pinoyako on March 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close