BREAKING NEWS

VP Sara kinasahan ng 2 impeachment complaint sa Kamara

VP Sara kinasahan ng 2 impeachment complaint sa Kamara
PHOTO: Facebook/Inday Sara Duterte

NAGHAIN ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ang Makabayan bloc sa House Office of the Secretary General.

Ang impeachment complaint na "betrayal of public trust" ay may kaugnayan sa paggamit niya ng kanyang confidential funds ng Office of the Vice President at noong siya pa ang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Sinabi naman ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, napaaga ang pagkilos para mapatalsik sa pwesto si Duterte bunga ng desisyon ng Korte Suprema na paglabag sa Saligang Batas ang unang impeachment complaint laban kay Duterte.

"Napaaga dahil 'yan ang epekto nung SC decision. Binago na naman nila 'yung pag-calculate kung kailan matatapos 'yung so-called one-year ban kaya sa pagka-unawa natin, pwede na," sey ni Tinio.

Baka Bet Mo: VP Sara kay Bato: Mas OK na makulong kesa mamatay o may sakit

Makalipas ang ilang minuto, inihain ng Tindig Pilipinas, na binubuo ng civil society groups at religious organizations, ang pangalawang impeachment complaint laban kay Duterte.

Ang reklamo ay iniendorso nina ML Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan Rep. Perry Cendaña.

Nabatid na nakapaloob sa reklamo ang pagbubunyag ni Ramil Madriaga, ang nagpakilalang dating aide ni Duterte at sinabing mula sa donasyon ng drug dealer at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang pondo sa pangangampanya ng huli.

Sinabi din ni Madriaga na naging "bagman" siya ni Duterte simula Hulyo 2022 hanggang Agosto 2023.

The post VP Sara kinasahan ng 2 impeachment complaint sa Kamara appeared first on Bandera.


VP Sara kinasahan ng 2 impeachment complaint sa Kamara VP Sara kinasahan ng 2 impeachment complaint sa Kamara Reviewed by pinoyako on February 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close