BREAKING NEWS

Kiray Celis, Stephan Estopia kakaririn na paggawa ng baby, gusto ng 7 anak 

Kiray Celis, Stephan Estopia kakaririn paggawa ng baby, gusto ng 7 anak 
Kiray Celis at Estephan Estopia

KUNG ipagkakaloob ni Lord, gusto raw ng comedienne-entrepreneur na si Kiray Celis na magkaroon sila ni Stephan Estopia ng pitong anak.

Talaga raw pangarap na noon pa ni Kiray ang magkaroon ng malaking pamilya kapag nagkaroon na siya ng asawa para mas masaya.

This year, kakaririn na agad nina Kiray at Stephan na makabuo ng baby dahil hindi na rin naman daw siya bumabata at feeling niya, handang-handa na rin siyang mabuntis at manganak.

"Thirty-two na ako this year, kaya excited na talaga ang asawa ko. Sana kayanin ko pa seven," ang pahayag ng komedyana sa pamayam sa kanya ng media.

Sey ni Kiray, talagang gustung-gusto na rin daw ng kanyang mister na magkaroon sila ng anak at sa katunayan, mino-monitor talaga nito ang monthly cycle niya. 

"Siya may plano. May app siya, updated. Binabantayan. Siya yung excited, talagang noon pa man kinukulit na ako," saad pa ng komedyana.

"Seven talaga (pangarap na bilang ng mga anak). Apat kaming magkakapatid. Tapos noong nabigyan ko ng bahay family ko, nagawa ko pangarap ko na sari-sariling kwarto.

"Pero ang lungkot pala. Hindi ko na nakikita kapatid ko, so dadamihan ko," aniya pa.

"Ready na naman anytime, parang ready na ako. Pero hindi pa rin nawawala yung family, hindi pa rin malayo. 

"Sabi nga nila, kailangan ko bigyan ng chance sarili ko at asawa ko naman, kasi magkaka-family ako.

"Filipino tayo, ang hirap mag-let go sa pamilya. Ang hirap i-let go mga pamangkin kasi sila mga anak ko na rin," sey pa ni Kiray.

The post Kiray Celis, Stephan Estopia kakaririn na paggawa ng baby, gusto ng 7 anak  appeared first on Bandera.


Kiray Celis, Stephan Estopia kakaririn na paggawa ng baby, gusto ng 7 anak  Kiray Celis, Stephan Estopia kakaririn na paggawa ng baby, gusto ng 7 anak  Reviewed by pinoyako on February 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close