BREAKING NEWS

QC mas pinaigting ang laban kontra textile waste; circularity hubs itatatag

QC mas pinaigting ang laban kontra textile waste; circularity hubs itatatag
PHOTO: Facebook/QC Mayor Joy Belmonte

MAS pinaigting ng Quezon City Government ang adbokasiya nila para sa sustainability at circular economy.

Ito ay matapos maipasa ang City Ordinance SP-3472, S-2025 o ang Textile Sustainability and Circularity Ordinance of Quezon City.

Sa ilalim ng ordinansa, opisyal nang itinatag ang QC Textile Sustainability and Circularity Program, na layong bumuo ng isang sustainable at circular na sistema sa industriya ng tela, hindi lang para sa kapakanan ng kalikasan, kundi pati na rin ng ekonomiya at mga mamamayan ng lungsod.

Bilang bahagi ng programa, magtatayo ang lungsod ng mga Circularity Hub na magsisilbing sentro ng pangongolekta at pagproseso ng textile waste. 

Baka Bet Mo: Joy Belmonte, QC Admin Alimurung kinilala bilang top government workers ng CSC

Dito, ang mga tela ay kokolektahin, pagsasama-samahin, aayusin, re-repurpose, at ire-recycle upang mabawasan ang basurang tela at sabay na makalikha ng kabuhayan para sa mga residente.

Dagdag pa rito ang Circularity Hub sa Barangay Payatas na inilunsad noong Oktubre. 

Ang naturang pasilidad ay kumpleto sa weaving looms, cutting machines, at production at showroom area, kung saan hinahabi at ipinapakita ng mga artisan ang mga upcycled na tela upang gawing bagong produkto.

Itinatag ito sa pakikipagtulungan sa Cebu-based social and cultural enterprise na ANTHILL Fabric Gallery.

Palalakasin din ng lungsod ang pakikipag-partner sa iba't ibang ahensya ng gobyerno, civil society organizations, at akademya upang isulong ang responsableng konsumo at produksyon ng tela. 

May nakalaan ding mga insentibo para sa mga negosyong susuporta sa circular textile economy.

Bubuo rin ng Textile Sustainability and Circularity Committee na mangangasiwa sa implementasyon ng programa at koordinasyon ng mga kaukulang tanggapan ng lungsod. 

Ang City Mayor ang magsisilbing chairperson ng komite, habang ang Climate Change and Environmental Sustainability Department at ang Small Business Cooperatives Development and Promotions Office naman ang magiging co-vice chairpersons.

Kasama rin sa mandato ng komite ang pagbuo ng isang 5-year Textile Sustainability and Circularity Action Plan na magsisilbing gabay sa mga estratehiya at prayoridad ng lungsod sa susunod na mga taon.

"The enactment of this ordinance is a great way to commemorate Zero Waste Month. With a program on textile waste in place, we can ensure that scrap fabric will not end up in landfills, but will be repurposed and upcycled to become more useful and fashionable products, and at the same time provide opportunities for aspiring entrepreneurs and artisans," sey ni Mayor Joy Belmonte sa isang pahayag.

Ang ordinansa ay inakda nina Councilors Aly Medalla, Dorothy Delarmente, at Vito Sotto Generoso, at ipinasa ng Quezon City Council na pinamumunuan ni Vice Mayor Gian Sotto noong Disyembre ng nakaraang taon.

The post QC mas pinaigting ang laban kontra textile waste; circularity hubs itatatag appeared first on Bandera.


QC mas pinaigting ang laban kontra textile waste; circularity hubs itatatag QC mas pinaigting ang laban kontra textile waste; circularity hubs itatatag Reviewed by pinoyako on February 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close