Squid Game Star Heo Sung-tae bibida sa action-comedy na ‘The Informant’

HANDA na ba ang moviegoers sa isang suntok, habulan at tawanan na walang preno?
Sisiklab na kasi sa big screen ang adrenaline-pumping Korean blockbuster na "The Informant", tampok ang Squid Game breakout star na si Heo Sung-tae!
Kung tumatak sa buong mundo ang kontrabida niyang papel sa Squid Game, ibang-iba ang ihahain ni Sung-tae sa "The Informant".
Dito, ginagampanan niya si Detective Oh Nam Hyuk, isang dating mahusay na pulis na nadiskaril ang karera matapos ang isang palpak na operasyon.
Baka Bet Mo: 'KPop Demon Hunters' pinatalsik ang 'Squid Game' bilang most-watched sa Netflix
Burned out at uhaw sa redemption, susubukan niyang bumangon gamit ang isang delikadong plano: ang informant na itinanim niya sa loob ng isang mapanganib na smuggling syndicate.
Pero syempre, hindi magiging madali ang lahat dahil mabilis na sasabog ang gulo, habang nalulubog sina detective at ang kanyang hindi inaasahang ka-partner sa isang masalimuot at larger-than-life conspiracy, na puno ng high-speed chases, slapstick comedy, emosyonal na eksena, at mga pasabog na twist na siguradong ikatutuwa ng fans ng Korean cinema.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/N4CWLuHgIE4?si=JsK7ULE59e8A5sQw" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe> Hindi rin biro ang credentials ng pelikula, dahil isa itong festival standout at nagsilbing opening film sa New York Asian Film Festival (NYAFF).
Wagi rin ito bilang Best Foreign Language sa Asia International Film Festival, patunay na crowd-pleasing action-comedy ito na kinilala sa international stage.
Eksklusibong hatid ng A-Reel Asia, ang premium showcase ng Ayala Malls Cinemas para sa pinakamahusay na Asian films, inilalapit ng platform ang mga de-kalibreng kwento ng South Korea, Indonesia, India, Japan, at China mula sa nakakakilig na drama hanggang sa pulse-pounding blockbusters para sa Pinoy audience.
Mapapanood ang "The Informant" eksklusibo sa Ayala Malls Cinemas simula February 4 sa Glorietta 4, Market!Market!, Feliz, Fairview Terraces, TriNoma, Cloverleaf, Marquee, Harbor Point, Manila Bay, Nuvali at Vermosa.
The post Squid Game Star Heo Sung-tae bibida sa action-comedy na 'The Informant' appeared first on Bandera.

No comments: