BREAKING NEWS

Vice Ganda nagbabala laban sa scammer: HUWAG PO KAYONG PALOKO!

Vice Ganda nagbabala laban sa scammer: HUWAG PO KAYONG PALOKO!
Vice Ganda

NAG-WARNING ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa madlang pipol laban sa sindikatong gumagamit sa kanyang pangalan at mga video.

Nakaabot sa kaalaman ng TV host-comedian na may mga grupo ng scammer na nambibiktima sa social media using his name and old YouTube videos.

Ni-repost ni Vice sa kanyang mga socmed accounts ang mga online sites na nagpapakalat ng fake news at gumagamit ng kanyang mga lumang content upang makapangloko.

"SCAM ALERT! May mga gumagamit ng lumang live videos ko at nagpapanggap na ako para makapang-scam! HUWAG PO KAYONG PALOKO!" ang babala ni Vice Ganda sa publiko.

Paalala pa niya sa lahat, "Tanging VERIFIED FACEBOOK ko lamang po ang opisyal at tunay na ginagamit ko dito sa Facebook."

Sa comment section ng naturang post, tila marami nang netizens ang nakatanggap sa mensahe ng scammer.

May ilan pang nagbahagi ng naging karanasan nila matapos mabiktima ng naturang sindikato sa socmed.

Kaya naman ang advice ni Vice Ganda, maging mapanuri sa lahat ng mga nababasa at napapanood sa social media lalo kung may mga kahina-hinalang aktibidad.

"Kung may kahina-hinalang activity mula sa non-verified accounts na ginagamit ang aking pangalan, i-report agad! Mag-ingat at maging mapanuri!" paalala ni Vice.

The post Vice Ganda nagbabala laban sa scammer: HUWAG PO KAYONG PALOKO! appeared first on Bandera.


Vice Ganda nagbabala laban sa scammer: HUWAG PO KAYONG PALOKO! Vice Ganda nagbabala laban sa scammer: HUWAG PO KAYONG PALOKO! Reviewed by pinoyako on February 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close