BREAKING NEWS

SexBomb Izzy pinagbabantaan ng mga basher: ‘Mamatay ka na!’

SexBomb Izzy pinagbabantaan ng mga basher: 'Mamatay ka na!'
Alvin Aragon at Izzy Trazona kasama ang kanilang mga anak

"KEEP the faith hon and I'm here." Ito ang Valentine message ni Alvin Aragon sa asawang si SexBomb Izzy Trazona nang mag-guest silang dalawa sa "Fast Talk" vlog ni Kuya Boy Abunda.

Ang nasabing panayam ay in-upload kagabi sa GMA Network YouTube channel at isa sa napag-usapan ay ang mga bashers ni Izzy na talagang ikinairita ni Alvin na dating StarStruck Avenger.

Ani Alvin, "Despite na ang daming bashers ng asawa ko, iba na ang bashers ngayon hindi na sa comment section ini-e-mail pa, 'mamatay ka na!'

Napa-"oh my God!" si Kuya Boy.

"Maraming iyak ang asawa ko, so nandito lang ako (nakatiningin kay Izzy), ready na nga akong magsampa ng kaso sa mga bashers (natawa si Izzy sabay hawak sa mukha ni Alvin)," seryosong sabi nito.

Sinamahan ni Alvin si Izzy sa nakaraang "Rawnd 4" concert ng SexBomb sa SM MOA kamakailan at ito 'yung sinorpresa ng huli ang dating kagrupo sa entablado na labis na ikinagulat ng lahat at nagkaiyakan pa na nag-trending ang video.

"Saka nandoon din ako sa concert hindi lang para suportahan siya para protektahan siya kasi luku-luko 'tong mga bashers, eh, (muling natawa si Izzy at hinawakan ulit ang mukha ng asawa na tila sinasaway na).

"May ganu'n ako Tito Boy, siyempre asawa ko 'to, eh. That's my duty, to protect my wife not only physical but I'm also praying for her that the Lord…to cover alam n'yo na," esplika ni Alvin.

Kuwento ni Izzy nang magpaalam siyang pupunta sa concert ng SexBomb ay hindi siya kaagad pinayagan ni Alvin.

Say ni Izzy, "Bago po ako nag-decide na pupunta ako nagpaalam muna ako, 'hon pupunta ako sa concert.' Una, parang hindi siya okay and then he prayed, pinag-pray niya muna and then finally he said, 'sige go.'

Tanong ni Kuya Boy kay Alvin, "Bakit may pag-aatubili?"

Hindi pa naintindihan ni Alvin ang terminong pag-aatubili kaya sinabing pagdadalawang-isip.

"Kasi hindi madali, e, nu'ng sinabi niya sa akin Tito Boy na magsi-share siya ng love ni Jesus sa concert. Sabi ko, hindi madali 'yun na desisyon ang dami kasing tao, ang (MOA) arena is 15,000 ang capacity hindi madali.  

"Teka lang hon, so pinag-pray ko muna. Tapos nag-devotion ako, so, na-convince ako na guidance ng Panginoon sa kanya, 'o sige hon I support 'you, sige kung gusto mong um-attend, um-attend ka," paliwanag ni Alvin.

"All because of love Tito Boy, to share the love of Jesus, I love the girls (SexBomb) and I love the people," saad ni Izzy.

At doon na ipinaalam ni Izzy kay SexBomb Mia Pangyarihan na darating siya at huwag munang ipaalam sa iba dahil sorpresa nga.

Hindi nakasama si Izzy sa concert ng SexBomb dahil nag-resign na siya bilang miyembro, may kinalaman ito sa kasalukuyan nitong estado sa buhay at kung ano ang prayoridad niya, pero suportado niya ang grupo anuman ang mangyari sa kanila.

The post SexBomb Izzy pinagbabantaan ng mga basher: 'Mamatay ka na!' appeared first on Bandera.


SexBomb Izzy pinagbabantaan ng mga basher: ‘Mamatay ka na!’ SexBomb Izzy pinagbabantaan ng mga basher: ‘Mamatay ka na!’ Reviewed by pinoyako on February 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close