SC kinikilala ang co-ownership ng same-sex couples, QC todo suporta

MASAYANG ibinandera ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang desisyon ng Korte Suprema, na kumikilala sa karapatan ng mga same-sex couple pagdating sa mga ari-arian na magkatuwang nilang naipundar.
Batay sa pahayag ng Supreme Court (SC), ang desisyon ay alinsunod sa Article 148 ng Family Code na nagtatakda sa co-ownership ng mga ari-ariang nabili ng dalawang taong nagsasama nang hindi kasal, base sa aktwal na kontribusyon ng bawat isa.
"Bilang isang lungsod na matagal nang nagsusulong ng mga polisiya at programang nakaangkla sa pagkakapantay-pantay, ang pasyang ito ng Korte Suprema ay naaayon sa mga adhikaing hindi tumitingin sa kasarian ng isa," sey ng QC government sa isang pahayag.
Dagdag pa nila, "Ang desisyong ito ay hindi lamang pagpapatibay ng umiiral na batas ng ating republika, kundi mahalagang hakbang ng pagkilala sa dignidad, at karapatang pantao ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community."
Baka Bet Mo: QC kinilala bilang miyembro ng UNESCO Global Network of Learning Cities
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FQCGov%2Fposts%2Fpfbid02E3ff6vcs5J9yU5QB3UYCXp7gCTX5a69EpHpdSBxMDE3JSV8CJUdjohhsGdVCG1Ujl&show_text=true&width=500" width="500" height="737" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> "Ipinapakita ng desisyong ito na ang katarungan at pagkakapantay-pantay ay dapat umiral para sa lahat," ani pa.
Kasama ang iba't ibang institusyon ng pamahalaan, tiniyak ng lungsod na patuloy silang kikilos para sa isang makulay, pantay, at maunlad na bukas para sa bawat mamamayang Pilipino.
The post SC kinikilala ang co-ownership ng same-sex couples, QC todo suporta appeared first on Bandera.

No comments: