SB19 personal na binisita ni Cardinal Tagle sa Italy concert

PERSONAL na bumisita si Cardinal Luis Antonio Tagle sa P-pop boy group na SB19 para mag-good luck sa kanilang "Sama sa Roma" concert.
Sa inilabas na mini vlog ng SB19 nitong Linggo, February 1, makikita ang kardinal na nakikipagkamay at bumabati sa SB19 members na sina Pablo, Stell, Justin, Felip, at Josh, sa backstage ng kanilang concert sa Italy.
"Lagi ko po kayong napapanood," saad ni Felip kay Cardinal Tagle.
Pabiro namang sumagot ang kardinal na naging dahilan ng tawanan nila maging ng mga staff.
Baka Bet Mo: SB19 Josh pangarap maging mabuting ama: Gusto kong magka-normal family
"Nako, nakakahiya naman," sey ni Cardinal Tagle.
Matatandaang noong October 2025 nang ganapin ang concert ng SB19 sa Spazio Atlantico, Rome, Italy.
Dinaluhan ang naturang concert ngo tinatayang 1,700 attendees.
Layon ng nasabing concert na pagbuklurin ang kultura, pananampalataya, at global pride ng mga Pinoy, sa temang "Celebrate the Faith. Embrace our culture. Ignite Hope!"
The post SB19 personal na binisita ni Cardinal Tagle sa Italy concert appeared first on Bandera.

No comments: