Eugene Domingo ibinandera mga natutunan sa pag-ibig

IBINAHAGI ng award-winning actress na si Eugene Domingo ang kanyang mga aral na natutunan tungkol sa pag-ibig.
Ito ay kasabay ng kanyang paghahanda para sa ika-10 anibersaryo ng kasal nila ng kanyang Italianong asawa na si Danilo Bottoni.
"What I know about love for sure is that it never ends in romance, everyday is a work that is voluntary because your faith and your love means I am committed to this until the day I die. That is what love between husband and wife is," saad ni Eugene sa kanyang panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda".
Dagdag pa niya, "I loved him from the day I realized I love him and I have to love him until I die."
Baka Bet Mo: Eugene Domingo napiling judge sa 'PGT 7' dahil kay Kathryn Bernardo
"Danilo is a man of strong faith and his patience is immeasurable. You cannot imagine being married to an actress. It's a disaster, everyday is a drama. A small instance that you will give an actress a chance to be a dramatic queen she will use it to some extent, hanngang manalo siya sa argument. My husband is so patient," proud na kuwento ni Eugene.
Matatandaang noong 2023 ay naikuwento na ng aktres kay Karen Davila kung paano niya unang nakilala ang asawa sa Udine Far East Film Festival sa Italy noong 2014.
Ang pelikula ni Eugene na "Barber's Tales" ay kabilang sa mga entry sa festival noong panahong iyon habang si Danilo naman ay isang film critic.
Inamin ng aktres, na apatnapung taong gulang na noon, na pakiramdam niya ay imposible na siyang makahanap ng makakasama sa buhay kaya handa na sana siyang pumasok sa isang kumbento. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Danilo.
"Finding him is really a miracle and the miracle is from God," pahayag ni Eugene.
Sa parehong panayam, inilarawan ni Danilo ang kanilang love story bilang isang unti-unting proseso na nagsimula sa Italy at nagpatuloy sa long-distance dating sa pamamagitan ng Skype.
"It was a slow process because we started talking every week on Skype for two to three hours I think and then we met again in Italy just the two of us in a very nice place in the place where my mother lives," chika pa ni Danilo.
Ibinahagi rin ni Danilo na nag-propose siya kay Eugene sa pamamagitan ng Skype.
Ikinasal ang dalawa noong 2016.
The post Eugene Domingo ibinandera mga natutunan sa pag-ibig appeared first on Bandera.

No comments: