Sanya Lopez kilig na kilig sa ‘promise ring’ ng misteryosong foreigner!

KILIG overload ang rebelasyon ni Sanya Lopez kamakailan tungkol sa kanyang love life!
Ibinunyag kasi ni Sanya kay King of Talk Boy Abunda na nakatanggap siya ng "promise ring" mula sa isang misteryosong lalaki na dayuhan.
Kasama pa nga niya sa guesting sa programang "Fast Talk" ang kanyang mga "Sang'gre" co-stars na sina Glaiza De Castro, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia.
"Okay naman, Tito Boy. Lagi namang masaya. Masaya ako na masaya kaming lahat," pag-amin niya at sinabi ring naipakilala na niya ang lalaki sa co-stars.
Baka Bet Mo: Sanya Lopez 'di apektado sa bashers: Wala akong ginagawang masama
Sa katunayan, nagbiro pa si Gabbi: "Tito Boy, 10 years in the making ito, inaabangan namin 'to."
Tinanong naman ni Tito Boy kung plano ba niyang ipakilala sa publiko ang mystery guy niya.
Sagot ni Sanya: "'Pag dumating 'yung panahon na hindi maiwasan siguro, sige, pwede naman."
Kwento niya pa, aksidente niyang nabanggit ang manliligaw nang maipakita ang singsing niya sa isang denim-and-diamonds event na kanilang dinaluhan.
At nang ipakita niya ito kay Boy, kinumpirma niya na, "It's a promise ring."
Sa segment na Fast Talk, nagbigay pa siya ng dagdag na clue tungkol sa kanyang boyfriend, kung saan pinili niya ang "foreigner" kaysa sa "Pinoy" at sinabi niyang siya ay "very much in love."
Nang tanungin kung paano niya ilalarawan ang gusto niya sa lalaki, tumawa siya at sinabing: "'Yung foreigner."
Kung matatandaan noong 2021, inamin ni Sanya na siya ay "NBSB" (no boyfriend since birth).
Last year naman nang inamin ni Sanya na may nanliligaw na sa kanya at sila ay nasa getting-to-know-each-other stage pa lamang.
The post Sanya Lopez kilig na kilig sa 'promise ring' ng misteryosong foreigner! appeared first on Bandera.

No comments: