P69.8-M allowance ng Manila public school teachers ipinalabas ni Isko

INANUNSYO ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang pagpapalabas ng P69.8 milyong allowances para sa mga pampublikong guro sa lungsod.
Ayon kay Domagoso ang allowances ay para sa huling tatlong buwan ng nakalipas na taon at matatanggap ito ng 11,633 na mga guro simula sa susunod na linggo.
Sinabi pa ng alkalde na ibibigay na rin ang P9.68 milyong allowances ng 6,452 Grade 12 students ng Manila public schools.
"May mga bagay sa pamahalaan na kailangang gawin para sa kabutihan ng mas nakararami at pangmatagalan," sabi ni Domagoso.
Bukod dito, ibibigay na rin ang allowances ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UDM), mga pulis-Maynila, mga bumbero sa lungsod, mga benepisyaryo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa kabuuan, P155.04 milyon na allowances ang ilalabas ng pamahalaang-lungsod.
The post P69.8-M allowance ng Manila public school teachers ipinalabas ni Isko appeared first on Bandera.

No comments: