‘No Work, No Pay’ policy sa mga senador, kongresista isinulong ni Sandro

NAGHAIN ng panukalang batas si House Majority Leader Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos para ipatupad din ang "No Work, No Pay" policy sa mga mambabatas.
Sa inihain niyang House Bill No. 7432, sinabi ni Marcos na tatanggap lamang ang mga senador at kongresista ng kompensasyon sa mga araw na ipinasok nila sa Senado o Kamara.
Aniya sa ganitong paraan matitiyak na gagastusin ang pondo ng bayan sa mga talagang nagta-trabahong opisyal.
Idiniin ng mambabatas na ang "No Work, No Pay" policy ay general labor standard na ipinatutupad sa lahat ng mga manggagawa sa bansa.
Sa ngayon aniya pumasok o hindi ang mga mambabatas ay tumatanggap ng kanilang kompensasyon at sumusweldo ng humigit kumulang P300,000 kada buwan.
Sa panukala, ang mga mambabatas na mapapatunayang pineke ang kanilang attendance ay sasailalim sa disciplinary action at maaring humantong sa suspensyon hanggang sa pagpapatalsik sa pwesto.
The post 'No Work, No Pay' policy sa mga senador, kongresista isinulong ni Sandro appeared first on Bandera.

No comments: