BREAKING NEWS

Eddie Gutierrez pinatay sa socmed: Buhay na buhay pa po ako!

Eddie Gutierrez pinatay sa socmed: Buhay na buhay pa po ako!
Eddie Gutierrez at Ruffa Gutierrez

KUMAKALAT ngayon sa social media ang balitang sumakabilang-buhay na raw ang veteran actor na si Eddie Gutierrez.

Mga ka-BANDERA, huwag kayong maniniwala sa mga naglalabasang ulat sa mga vlog na pumanaw na ang mister ni Annabelle Rama dahil fake news ang lahat ng yan.

Sa pamamagitan ng Facebook, ipinaalam ng pamilya Gutierrez sa madlang pipol na walang katotohanan ang balitang namaalam na ang dating matinee idol at beteranong aktor.

Ibinahagi ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez sa FB ngayong araw, February 2, ang isang "pre-birthday message" ni Tito Eddie para sa publiko.

"Ako po si Eddie Gutierrez. Mayroon kasing kumakalat na fake news. Alam n'yo usong-uso ang fake news ngayon—na ako'y sumakabilang-buhay na," ang simulang mensahe ni Tito Eddie.

Dugtong pa niya, "Hindi po totoo 'yon, buhay na buhay po ako. I'm still alive and kicking! Hindi pa ako namamatay. Binigyan pa ako ng Panginoon ng mga ilang taon."

Pagpapatuloy pa niya, "I'll be turning 84 on February 6, at ako'y nagpapasalamat na nandito ang aking asawa, si Annabelle Rama—na kung 'di dahil sa kaniya, baka maging totoo 'yang chismis na 'yan.

"At ang mga anak ko na sila si Ruffa, si Richard, si Raymond, si Elvis, si Rocky, Richie Paul, Monching, Tonton.

"Lahat ho sila ay ang nagbibigay sa akin ng saya—at lalong-lalo na ang aking mga apo na kasama ko rito sa bahay," pahayag pa ng aktor.

"So, huwag po kayong maniniwala (na patay na ako). Buhay na buhay po ako. Sa mga nagdasal, sa lahat ng mga tagahanga ko na mga senior citizen, na hanggang ngayon ay nandiyan pa, huwag ho kayong mag-worry. 

"Buhay na buhay po ako. Maraming salamat sa mga dasal ninyo," huling bahahi ng mensahe ni Tito Eddie.

Kamakailam lamang ay muling sumailalim ang tatay nina Ruffa sa isang surgery sa Singapore at ngayon nga ay tuluy-tuloy na ang pagbuti ng kanyang kalagayan.

The post Eddie Gutierrez pinatay sa socmed: Buhay na buhay pa po ako! appeared first on Bandera.


Eddie Gutierrez pinatay sa socmed: Buhay na buhay pa po ako! Eddie Gutierrez pinatay sa socmed: Buhay na buhay pa po ako! Reviewed by pinoyako on February 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close