BREAKING NEWS

Kapuso star Roxie Smith bet ng Baguio sa Miss Universe PH 2026 

Kapuso star Roxie Smith bet ng Baguio sa Miss Universe PH 2026 
Roxie Smith

SASABAK muli sa beauty pageant ang Sparkle artist na si Roxie Smith bilang representative ng Baguio sa Miss Universe Philippines 2026 pageant.

Ibinandera ng Kapuso actress at host ang good news sa social media kalakip ang kanyang pak na pak na mga litrato

Sa kanyang Instagram page, makikita ang stunning photos ni Roxie suot ang form-fitting silver gown with matching soft mermaid silhouette.

Meron din siyang suot na korona at sash na may nakasulat na "Miss Universe PH Baguio."

"A dream with no limits. Hello Universe!" ang sey ng dalaga sa caption ng kanyang IG post.

Sa comments section, bumuhos naman ang mga congratulatory message mula sa kanyang mga tagasuporta kabilang na ang mga kapwa Kapuso stars niyang sina Charlie Fleming, Thia Tomalla, at Vanessa Peña.

Lahat sila ay excited na sa pagrampa ng Filipina-Belgian beauty queen bilang bet ng Baguio sa Miss Universe Philippines 2026.

Sa isa pang Instagram post, nag-share rin si Roxie ng video kung saan opisyal na nga niyang in-announce ang pagsali niya sa naturang national pageant.

"Breathe, rise, represent @missuniverseph_baguio," aniya sa caption.

Marami nang korona at titulo si Roxie bilang beauty queen, kabilang na riyan ang Miss Philippines Earth 2020.

Napapanood siya ngayon sa replay ng "Sparkle U: #Frenemies" na umeere sa GMA 7, every Saturday, 4:45 p.m..

The post Kapuso star Roxie Smith bet ng Baguio sa Miss Universe PH 2026  appeared first on Bandera.


Kapuso star Roxie Smith bet ng Baguio sa Miss Universe PH 2026  Kapuso star Roxie Smith bet ng Baguio sa Miss Universe PH 2026  Reviewed by pinoyako on February 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close