BREAKING NEWS

LPA sa Mindanao posibleng maging bagyo, tatawaging ‘Basyang’

LPA sa Mindanao posibleng maging bagyo, tatawaging 'Basyang'

MALAKI ang posibilidad na maging bagyo ang low pressure area (LPA) sa susunod na 24 oras.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) posibleng pumasok ngayon araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang LPA sa distansyang 1,370 kilometro ng Northeastern Mindanao at kapag naging ganap na bagyo at tatawagin itong "Basyang."

Makakaapekto ito sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Samantala, maaaring makaranas ng pag-ulan ngayon araw ang Visayas, Caraga, Davao Region, at Misamis Oriental bunga ng "shear line."

Mahinang pag-ulan naman ang maaring maranasan sa Luzon dahil sa amihan.

The post LPA sa Mindanao posibleng maging bagyo, tatawaging 'Basyang' appeared first on Bandera.


LPA sa Mindanao posibleng maging bagyo, tatawaging ‘Basyang’ LPA sa Mindanao posibleng maging bagyo, tatawaging ‘Basyang’ Reviewed by pinoyako on February 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close